Sa isang interview ng PEP.ph sa beteranang aktres na si Jean Garcia, sinabi nito na pabor siya na ibalik ang death penalty sa Pilipinas.
Jean Garcia / Photo from PEP PH
Saad niya, “Honestly, yeah, yes!
“A, depende, ayoko masyado… pero ibig kong sabihin, yung grabe talaga na mga... iyon, sa drugs, killer…Kasi ako, ang feeling ko kasi, kailangan na talaga ng disiplina, kailangan ng takot ng tao, kailangan marunong tayong matakot.
Kasi hindi naman tayo ano, maski mga bata ngayon, alam ang tama at mali, di ba? Para magkaroon ng disiplina, mas maging safe ang country natin, di ba? Mas makakalakad na tayo sa kalye nang hindi tayo natatakot. Di ba, pag nasa Japan ka, lakad ka lang. Taipei, ganun rin. Kahit mag-isa ka, lakad ka, punta ka ng 7-11, punta ka ng ano… very safe, kahit madaling-araw, di ba?
And we want that for our country, di ba?
Especially, like ako, nanay ako, meron akong mga anak, gusto ko safe ang mga bata.
So, ang sa akin, pag gumawa ka ng katarantaduhan, pagdusahan mo. Ngayon, kung ayaw mo ng death penalty, ayaw mong mabitay or whatever, tumino ka!
Gumawa ka ng tama, di ba?
So, nasa sa tao yun. Hindi naman yung kasi gobyerno or kasi iyon yung opinyon ko, it’s not that, e. It’s you want to have a safe country, di ba? Tsaka magkakaroon din yun ng effect din sa bawat isa kung lahat tayo disiplinado.”
Jean Garcia / Photo credit to the owner
Jean Garcia / Photo credit to the owner
Nagbigay rin siya na kanyang opinyon patungkol sa hindi pagsali ng rape sa death penalty.
“Yun na nga actually, ako, yung rape dapat kasama.
Kasi, unang-una… sorry ha, hindi ako nagmamarunong, ako opinyon ko lang po ito, maraming hindi mag-a-agree sa akin, wala naman din akong pakialam dahil opinyon ko yun, di ba?
Hindi ko naman sinabing maging opinyon nila, so opinyon ko lang. Kasi, bakit ba may mga rape victims, bakit ba may mga nangre-rape? Drugs din, di ba? O, di pareho. E, di bitayin na rin ‘yang mga ‘yan! Di ba?
Yun lang naman yung sa akin, opinyon ko lang po ‘yan.”
***
Source: PEP
No comments:
Post a Comment