Sa bansang Thailand, merong kumakalat na balita na ang pag-inom umano ng ihi ng tao ay nakabubuti sa kalusugan.
Imahe mula World of Buzz
Sa isang article ng ‘World of Buzz,” umapela ang medical consultant na si Doctor Phoomphet Dethastin sa “Teachers Council” sa pamamagitan ng Facebook na imbestigahan ang gurong mula sa probinsya ng Khon Kaen matapos umanong mapag-alaman na ang nasabing guro ay lihim na inihahalo ang kanyang ihi sa tubig na iniinom ng kanyang mga elementary students.
“The teacher posted about the “magic water” that he claimed healed a child of his stomach ache just 30 minutes after he drank it,” sabi sa article ng WoB.
Imahe mula World of Buzz
Sinabi rin umano ng guro na pinainom pa niya ng 30 estudyante ng tubig na may halong ihi niya at sinabing ito ay holy water mula sa isang templo.
Maraming netizens ang nagalit sa kalokohang ginagawa ng guro at sa pagsisinungaling nito sa kanyang mga estudyante. Ang iba naman ay nagulat at hindi makapaniwalang may isang gurong makakagawa nito.
Samantala, hindi lang ito ang nakakagulat na kwento, dahil ayon pa sa article ng WoB, isang vendor ang nagpost ng kanyang "special ingredient" sa ibinebentang sabaw na nakagpapatanggal umano ng sakit ng katawan.
Imahe mula World of Buzz
Palihim umano itong inilalagay ng vendor upang maiwasan ang gulo.
Ang nakapagtataka ay nawawala raw umano ang sakit ng katawan ng kanyang mga customers.
Muli ay nagpaalala si Doctor Phoomphet na ang pag-inom ng ihi ng tao ay walang katunayang nakakagamot ng anumang karamdaman.
***
Source: World of Buzz
No comments:
Post a Comment