Monday, November 7, 2022

Alamin kung bakit nga ba kinatatakutan ng mga pulis noon si Benjamin Garcia A.K.A Ben Tumbling

Ang kwento ng buhay ni Benjamin Garcia o mas kilala bilang Ben Tumbling ay nagsimula sa Malabon City kung saan siya ipinanganak noong June 7, 1957.
Ben Garcia / Photo credit to the owner

Simula pagkabata ay mahilig na raw talaga si Ben sa acrobatics 
kaya nakapasok ito bilang stunt man sa mga pelikula.

Itinuring si Ben na isa sa mga sakit ng ulo ng mga pulis noong dekada 70s’ dahil mala palos raw ito kaya naman hirap silang hulihin.

Ang galit ni Ben sa mga pulis ay nagsimula nang siya ay t0rturin ng mga ito sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa.
Ben Garcia / Photo credit to the owner

Mas lalo pa umanong tumindi ang galit ni Ben sa mga pulis nang malamang ginah*sa ng mga ito ang kanyang asawa.

Kaya nang siya ay makalaya, nagbalak siya na gaganti sa mga pulis.

Talagang pinagplanuhan ni Ben ang paghihiganti. Minsan ay nagpapanggap umano siyang tindero o karpintero at kapag nakakuha siya ng tiyempo ay tsaka niya itutumba ang pulis.

Dito na rin nasangkot sa iba’t ibang krimen si Ben kung saan pulis ang kanyang target.

Pitong pulis ang nasawi sa mga operasyon upang hulihin siya. Kasama na rito ang mga gumawa umano ng pang-aabuso sa kanya at sa kanyang asawa.

Isa rin umano sa mga tumugis kay Ben ay ang Hoodlum terminator na si Boyong Mañalac. 

Ayon sa anak ni Boyong, ilang beses umanong pinuntirya ng kanyang ama si Ben at kung mayroon raw itong isang pagsisisi ay dahil hindi siya ang mismong nakahuli.
Photo credit: Tamago Chronicles
Boyong Mañalac / Photo credit: Tamago Chronicles

Dinadayo nila sa Bulacan, kung saan-saang lugar, kung saan may info. Tinutulugan nila ng ilang araw hindi talaga nila nadale,” sabi ng anak ni Boyong.

Minsan daw muntik na nilang madale si Ben Tumbling sa Bulacan, may nagsabi nasa palaisdaan. Nacordon daw nila yung lugar. Magaling daw talagang tumambling.

Pinasok nila. Pagpasok nila nakalundag daw tatlong lundag, hindi na nila nakita,” dagdag nito.

Yon na raw ang pinakamalapit na pagkakataong mahuli ni Boyong si Ben. Simula nun ay hindi na raw niya ito muling nakita o nalapitan.

May mga kwento rin na mahilig daw magbigay ng tulong o pera si Ben sa kanyang mga kaibigan at kapitbahay sa Malabon.

Minsan ay tumutubos din daw siya ng mga lupang nakasanla.

Samantala, madalas umanong tumambay si Ben sa mga bar at beerhouse. Ang hindi niya alam ay pinagpaplanuhan na siya ng mga pulis.

Sa tulong ng GRO na binayaran ng mga pulis sa halagang P10k, nahuli at nap*tay si Ben.

Noong March 13, 1981, nagluksa ang karamihan sa mahihirap na taga Malabon.
Photo credit to the owner

Sa kanyang libing ay marami ang pumunta kung saan karamihan sa mga ito ay mga natulungan umano ni Ben.
Photo credit to the owner

Nai-dyaryo pa noon ang pagkam*tay ni Ben at ikinuwento rin ng mga pulis kung papaano nila plinano ang pagpat*y sa kanya.

Pero iba ang kwento ng kanyang pamilya patungkol sa pagkam*tay niya.

Anila, hindi napatay ng mga pulis si Ben. Bagkus, nagpakam*tay ito.

Ang kwento ng buhay ni Ben ay isinapelikula noong 1985 na pinagbidahan ni Lito Lapid at pumatok sa takilya.
Photo credit: Tamago Chronicles

Samantala, sa Youtube Channel na ‘Tamago Chronicles,’ pinuntahan nila ang puntod ni Ben Tumbling at mababasa sa lapida nito ang,

“IKAW BA’Y MASAMA O DAKILA. BAKIT MARAMI ANG SAYO’Y HUMAHANGA. MGA MATATANDA, DALAGA AT BATA. SA PAGKAMATAY MO’Y AYAW MANIWALA.

BAKIT DI MARINIG SA BIBIG NG TAO NA KAY BEN GARCIA’Y NAPOPOOT AKO. BAKIT SI BEN TUMBLING AY NAGING IDOLO GAYONG SA BALITA AY PUSAKAL ITO.

BAKIT BA KAY RAMI ANG MGA NALUNGKOT NANG ANG IYONG BUHAY AY AGAD NATAPOS. AT BAKIT MARAMING NAG MAGANDANG LOOB NAG-ABULOY SA’YO NANG KATAKOT-TAKOT.

ANG ALAALA MO AY MAGIGING ARAL SA TAGA-MALABON AT KARATIG BAYAN.
ANG DALANGIN NILA KUNG NASAAN KA MAN SANA AY KAMTIN MO ANG KAPAYAPAAN.”
 Photo credit to the owner


***

No comments:

Post a Comment