Monday, November 7, 2022

Keempee De Leon, ibinahagi kung sino-sino ang kanyang mga naging kasintahan sa showbiz

Si Joseph Joachim Tugas de Leon ay anak ng komedyanteng si Joey de Leon at mas kilala sa kanyang screen name na Keempee De Leon ay isa sa mga popular na aktor noong dekada 90s’ at talagang maraming babae ang kanyang napapakilig.
Photo credit to the owner

Bukod sa pagiging matinee idol, si Keempee ay isa ring magaling na singer, song writer at TV host.

Tulad ng kanyang ama, nagsimula rin si Keempee bilang comedian bago ito naging action star na naging dahilan siguro kung bakit maraming artistang babae ang kanyang napa-ibig.

Kilalanin ang mga babae na naging parte ng buhay ni Keempee.


1. Manilyn Reynes

Si Manilyn ay isang ring magaling na aktres, singer, TV host at commercial model.
Manilyn Reynes and Keempee De Leon / Photo credit to the owner
Keempee De Leon / Photo credit to the owner

Isa sa mga naging kasintahan ni Keempee ay si Manilyn Reynes kung saan umabot lamang ng apat na buwan ang kanilang relasyon.

Agad naghiwalay ang dalawa dahil parehas umano silang seloso/selosa. 

2. Vina Morales


Si Sharon Garcia Magdayao o mas kilala bilang Vina Morales ay naging kasintahan ni Keempee sa loob ng isang taon at kalahati.
Vina Morales / Photo credit to the owner
Vina Morales / Photo credit to the owner

3. Ara Mina

Kagaya ng mga naunang karelasyon ni Keempee, hindi rin nagtagal ang pagsasama nila ni Ara Mina. Apat na buwan rin lang may namagitan sa dalawa.

Ayon kay Keempee, “Lahat po ng ito nangyari sa That’s Entertainment talaga e."

4. Jessa Zaragoza


Ayon sa isang artikulo ng Star Cinema, inamin ni Keempee na naging kasintahan niya si Jessa Zaragoza. Bagaman hindi nagtagal ang kanilang relasyon, magkaibigang mabuti naman daw ang dalawa.
Jessa Zaragoza / Photo credit to the owner
Bernadette Allyson / Photo credit to the owner

5. Bernadette Allyson

Si Bernadette Allyson ay isa ring aktres. Ayon kay, Keempee nakarelasyon niya ang aktres ngunit walang naging malinaw na dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Samantala, sa unang guesting ni Keempee sa Tonight with Boy Abunda, nagbalik-tanaw siya mga naging past girlfriends niya.

6. Carmina Villarroel

Una sa lahat ay nilinaw muna ni Keempee na hindi naging sila ni Ana Roces pero related diumano ang kuwento ni Ana kay Carmina Villaroel, na naging girlfriend ni Keempee sa loob ng dalawang taon.
Carmina Villarroel / Photo credit to the owner
Carmina Villarroel / Photo credit to the owner

“Naging leading lady ko siya (Ana) sa movie, and then that time kami ni Carmina. Sabi lang ng director leading man ka, kailangan alagaan mo ang leading lady mo. So ako naman po masunurin, nagpabili ako ng ganito every shooting… nilalagyan ko siya ng lampin. Nakarating kay Carmina, so nag-away kami.”

Kuwento pa ni Keempee tungkol sa kanila ni Carmina, “During Palibhasa (Lalake) days dumadalaw ako sa kanya.” Hanggang sa sinabi daw ng director noon na si Mr. M (Johnny Manahan) na, “’Bakit hindi na lang i-guest ‘to, lagi naman nandito tuwing linggo.’ Naging semi-regular din ako ng Palibhasa, then they gave me a character Kimpoy na mamboboso.”

Ilan pa sa mga pinangalanan ni Kempee na past girlfriends niya ay sina:
G. Toengi / Photo credit to the owner

7. G. Toengi.

8. Ina Raymundo.
Ina Raymundo / Photo credit to the owner

Aniya, “Very open naman ako dyan and lahat po kaibigan ko until now.

Sa lahat daw ng naging kasintahan ni Keempee, si Carmina yung inisip niyang pakasalan at naghiwalay daw sila noon dahil sa kanya.

Mensahe pa niya kay Carmina, “Sorry Mins.”


***

Source: PUSH

No comments:

Post a Comment