Monday, November 7, 2022

Isang babae nanganak habang nasa eroplano; hindi alam na siya ay buntis

Isang babaeng hindi alam na siya ay buntis ang nanganak habang nasa eroplano papuntang Honolulu, Hawaii. Napakaswerte ng babae dahil may kasabay siyang doctor at tatlong nurse at sila ang tumulong sa kanyang panganganak.
Dr. Dale Glenn and Lavinia Mounga / Photo credit to the owner

Kinilala ang babae na si Lavinia Mounga mula sa Salt Lake City, Utah. Pinangalanan naman ang sanggol ng Raymond.

Ayon sa news release ng Hawaii Pacific Health, nasa 29 weeks pa lamang ang tiyan ni Lavinia ng ito ay manganak.

Kinilala rin ang doctor na tumulong kay Lavinia na si Dr. Dale Glenn at ang tatlong nurses na sina Lani Bamfield, Amanda Beeding at Mimi Ho.
Lani Bamfield, Amanda Beeding, Mimi Ho and Lavinia Mounga / Photo credit to the owner
Lani Bamfield, Amanda Beeding, Mimi Ho and Lavinia Mounga / Photo credit to the owner

Dahil kulang sa kagamitan ang eroplano para sa mga premature babies, ginamit ng doctor at mga nurses ang shoelaces para putulin ang umbilical cord ng sanggol at gumamit rin sila ng microwaved bottles para magbigay ng init sa bagong silang na bata.

Isang relo rin ang ginamit nila upang ma-measure ang heart rate ng sanggol.

Naging stable naman ang lagay ng mag-ina sa loob ng tatlong oras hanggang sa dumating sila sa airport.

Ayon kay Dr. Glenn, “the emergency personnel took “great care” of the baby upon arriving in Hawaii.”
Dr. Dale Glenn and Lavinia Mounga / Photo credit to the owner


Para naman kay Lavinia, “overwhelming” and “so lucky” ang nangyari sa kaniya dahil mayroong mga medical people na kasama niya sa eroplano.

The experience here has been so good. It just feels comforting and everyone’s willing to help and always checking on us,” saad ni Lavinia.
The medical team with Lavinia / Photo credit to the owner

Samantala, mananatili ang baby sa isang hospital sa Hawaii hanggang sa katapusan ng buwan.

Nag set-up naman ng GoFundMe page ang mga kapatid ni Lavinia upang makatulong sa kanila.

Our miracle baby nephew was born 29 weeks along with 3 hours left on our flight and was such a strong trooper. Our sister did not know she was pregnant so she was just as shocked as the rest of us when our nephew was born!” sabi ng mga kapatid ni Lavinia.

Anila, malakas ang baby ngunit kailangan nito ng “intensive care” at kailangan manatili sa Hawaii hanggang pwede na itong ibyahe pabalik ng utak.

Sa ngayon ay nakalikom na sila ng $13,000 mula sa inilunsad na GoFundMe.


***
Source: Inquirer

No comments:

Post a Comment