Monday, November 7, 2022

Kilalanin ang cornea recipient ng yumaong aktor at ex-bf ni Angel Locsin na si Miko Sotto

December 2003 nang magluksa ang mundo ng showbiz at pamilya Sotto sa pagkamatay ng aktor na si Miko Sotto. 
Maria Esmeralda Baribad at Miko Sotto / Photo credit to the owner

Si Miko ay anak ng broadcast journalist na si Ali Sotto sa dati nitong asawa na si Maru Sotto.

Pumanaw si Miko noong Disyembre 29, 2003, matapos mahulog mula sa ika-siyam na palapag ng tinitirhan nitong condominium unit sa Mandaluyong City.

Sa gitna ng pagluluksa, pinili ni Ali na i-donate ang mga bahagi ng katawan ni Miko na maaaring i-donate sa mga pasyenteng nangangailangan.
Miko Sotto / Photo credit to the owner
Miko Sotto / Photo credit to the owner

Noong nawala si Miko, lahat ng pwedeng i-donate na organ, eh dinonate ng nanay,” pagbabahagi ni Vic Sotto sa segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgemental” noong Hunyo 26, 2021.

Isa sa napiling recipient si Maria Esmeralda Baribad o Esme na mula sa lungsod ng Makati. Natanggap ni Esme ang cornea ng pumanaw na aktor.

Kwento ni Esme, natalsikan ng bubog ng binta ang kanyang kaliwang mata at ayon sa kanyang ina, matapos ang insidente na iyon ay hindi na mamulat ni Esme ang kanyang kaliwang mata.
Maria Esmeralda Baribad / Photo credit to the owner
Miko Sotto / Photo credit to the owner

Lubos ang pasasalamat ni Esme kay Ali dahil siya ang napili nitong recipient ng cornea ng anak nitong si Miko.

Thank you din po kasi ako yung napili na mabigyan ng cornea ni Kuya Miko,” ani Esme.

Siguro sa ibang tao kung magkaroon sila ng gano’ng situation parang mahirap din, pero para sa akin dahil do’n nanatili ako na mamuhay nang normal,” dagdag pa ni Esme
Photo credit to the owner
Miko Sotto / Photo credit to the owner

Nag-iwan naman ng video message si Ali para kay Esme.

Aniya, “Hi, Esme. I miss you. Ano ba ‘yan? Ang tagal na nating hindi nagkita dahil sa pandemic na ‘to.”

Nagpasalamat rin si Ali kay Esme dahil malaki raw ang naging tulong ng organ transplant para maibsan ang kanyang kalungkutan.

Kasi nga matitigan lang kita, makita lang kita you make me so happy na kasi bahagi ng anak kong si Miko lives on because of you.”
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Umaasa naman si Ali na pagkatapos ng pandemya ay personal na siyang mabibisita ni Esme. 

Kaya hopefully matapos na soon para mabisita mo na uli ako tapos matitigan ko na uli ang mga mata mo,” ani Ali.

Si Marcelino Antonio “Miko” Carag Sotto III ay kilalang aktor na showbiz. Ilan sa pelikulang ginampanan niya ay ang Fantastic Man (film version), bilang si Reggie, taong 2003 at Bahay ni Lola taong 2001 bilang si Buboy.


***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment