Thursday, December 22, 2022

Sino-sino ang mga Filipino male celebrities na may pinakamaraming anak?

Madalas nating marining ang mga katagang, "kapag mas marami mas masaya!”. Ito ay madalas sinasabi sa mga okasyon katulad ng reunion, outing, birthday parties at iba pa.
Dolphy, Lou Salvador Sr and Ramon Revilla Sr. / Photo credit to the owner

Maihahalintulad din ito sa pagkakaroon ng maraming anak dahil sila ang nagbibigay kasiyahan sa isang pamilya sa loob ng tahanan.

Ngunit ang pagkakaroon ng maraming anak ay hindi dapat basta basta lamang, ito ay pinagpaplanuhan dahil hindi biro ang pag-aalaga at pagpapalaki ng mga bata.

Kailangan silang gabayan at bigyan ng magandang kinabukasan.
Photo credit: Health Magazine
Photo credit: Health Magazine

Samantala, “The more, the merrier” siguro talaga ang pananaw ng ilang kilalang Filipino male celebrities na nagkaroon ng maraming anak.

Kilalanin sa ibaba ang 11 tatay na mayroong pinakamaraming anak sa mundo ng Philippine show business.

11: Francis Magalona - Number of children: 8

Ang namayapang Master Rapper na si Francis Magalona ay ama ng walong magkakapatid kabilang sina Nicolo at Unna na anak ni Pia Magalona sa kanyang unang asawa.
Photo credit: PEP
Photo credit: PEP

Nagpakasal sina Francis at Pia noong 1985 ay nagkaroon sila ng anim na anak. Sila ay sina Maxene (1986), Frank (1987), Saab (1988), Elmo (1994), Arkin (1999), at Clara Magalona (2000).

Technically, anim lamang ang anak ni Francis.

10: Eddie Gutierrez - Number of children: 8

Ang beteranong aktor na si Eddie Gutierrez ay mayroong anim na anak sa kanyang asawang si Annabelle Rama. Sila ay sina Ruffa, Rocky, Elvis, Richard, Raymond at Ritchie Paul.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Nagkaroon din siya ng anak sa kanyang mga dating nakarelasyon - si Tonton Gutierrez ay anak niya kay Liza Lorena at si Ramon Christopher sa singer na si Pilita Corales.

9: Robin Padilla - Number of children: 8

Si Robin Padilla ay mayroong walong anak sa apat na babae.

Apat ang kanyang anak sa una niyang asawa na si Liezl Sicangco. Sila ay sina Ali, Queenie, Kylie, at Zhen-Zhen.
Photo credit: GMA Network
Photo credit: PEP

Si Mico naman ang kanyang anak sa dating aktres na si Jobelle Salvador.

Sa ngayon ay dalawang babae ang biniyaya sa kanila ng kanyang asawang si Mariel Rodriquez-Padilla na sina Isabella at Gabriella.

8: Gardo Versoza - Number of children: Less than 10

Sa isang interview kay Gardo ng PEP noong 2018, hindi umano sigurado si Gardo kung ilan ang kanyang mga anak.
Photo credit: PEP
Photo credit: PEP

Inamin rin niya na hindi pa niya nakikita ang kanyang mga anak.

"Ang problema ay hindi ko alam kung nasaan sila. Nung time na dapat dadalawin ko yung isa sa Amerika, hindi natuloy yon.”

"Sayang kasi gusto ko rin malaman kung ano na ba nangyayari sa buhay nila. Gusto ko rin siyang makilala.”

"Sa pagkakaalam ko, nasa college na siya, e. Sayang at hindi kami nagkita. Pero ako naman, wala akong sinasarang pinto sa mga anak ko.”
Photo credit: PEP
Photo credit: Wiki Celebs

"Kung gusto nila akong makilala, alam naman nila kung saan nila ako matatagpuan. Hindi naman tayo nagtatago."

Sa kasalukuyan, si Gardo at ang kanyang long-time partner na si Ivy Vicencio ay mayroong 7-year-old na anak na si Deity Uziel.

7: Christopher de Leon - number of children: 10

Noong 1975 isinilang ang unang anak nina Christopher at Nora Aunor na si Ian.

Noong sila ay nagsasama pa ay umampon rin sila apat ng mga bata - Matet, Lotlot, Kenneth, at Kiko.

Na-annul ang kanilang kasal noong 1996.
Photo credit: PEP
Photo credit: PEP

Sa ngayon ay masaya si Christopher sa kanyang asawang si Sandy Andolong. Sila ay may limang anak: Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel, at Mica.

6: Jay Manalo - Number of children: 11

Sa isang interview ng Philippine Daily Inquirer kay Jay ay inamin nitong mayroong siyang labing isang anak sa anim na babae.
Photo credit: PEP
Photo credit: PEP

Mayroong dalawang anak si Jay sa kanyang dating schoolmate sa San Sebastian na si Maribel de Guzman. Sila ay sina Jaeandra Maree at Jaeriannetoni.

Noong 2003 ay ikinasal si Jay sa kanyang non-showbiz partner na si Raizza. Nagkaroon sila ng tatlong anak: Ann Jaenaisha Raine, Adrienne Riona Jaenylla, at Raiko Jaego Almighty.

Ang iba pang anak ni Jay ay sina Jayenne Therese, Ashley Nicolette, Charmaine Joy, at Rica.

Hindi naman nabanggit ang pangalan ng dalawa pang anak ni Jay.

5: Joseph Estrada - Number of children: 10 to 12

Ang dating pangulo ng Pilipinas ay nagkaroon ng tatlong anak sa kanyang unang asawang si dating senador Luisa "Loi" Pimentel.
Photo credit: PEP
Photo credit: PEP

Sila ay sina dating senador Jinggoy, Jacqueline, at Jude. 

Nagkaroon ng mga kabit si Erap sa iba’t ibang babae na kanya ring inanakan.

Sina Joel Eduardo (Jojo) at Teresita kay Peachy Osorio.

Si dating senador JV Ejercito kay dating San Juan City Mayor Mayor Guia Gomez.

Sina Jerika, Jake, at Jacob sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Si Jose Mari kay Joy Melendrez. 
Photo credit: PEP
Photo credit: PEP

Samantala, ayon sa ibang source katulad ng the12list.com at topten.ph, mayroon pang anak si Erap na nagngangalang Joan at Jason sa babaeng si Mary Ann Murphy. 

Ang isa pa ay nagngangalang “Larena” mula sa isang flight attendant na kanyang nakarelasyon.

4: Joey Marquez - Number of children: 16

Ang dating basketball player at aktor na si Joey Marquez ay mayroong labing anim na anak.

Ang kanyang panganay ay si Jeremy Marquez kay Francesca Siron.

Mayroon naman siyang dalawang anak na babae sa dating aktres na si Brenda del Rio na sina Jowee Ann at Zia.
Photo credit: PEP
Photo credit: PEP

Apat naman ang kanyang anak kay Alma Moreno na sina Charles Yeoj, Teresita Ssen (Winwyn), Vittorio Joey, at Maria Maal Venesa.

Ang iba pa ay sina JJ, Jesm, Kristine, Jerica, Jerico, Paolo, Jazalla, Jacob at Joeygy.

Hindi naman nabanggit kung ilan at kung sino ang mga ina ng kanyang iba pang mga anak.

3: Dolphy Quizon - number of children: 18

Ang King of Comedy ay mayroong labing walong anak sa 6 na iba’t ibang babae.

Anim ang kanyang anak sa dating aktres na si Engracia Dominguez. Sila ay sina Manny, Sahlee, Rodolfo Jr. (Dolphy Jr.), Wilfredo (1956-2005), Edgardo, and Rolly (1959-2018).
Photo credit: PEP
Photo credit: PEP

Apat naman kay Gloria Smith. Sila ay sina Mariquita (Kit), Carlos, Geraldino (Dino, 1972-2018), at Edwin.

Apat rin kay Pamela Ponti. Sila ay sina Ronaldo (Ronnie), Enrico (Eric), Madonna (Donna), and Jeffrey (Epi).

Noong 1960s, nagkaroon siya ng anak kay Evangeline Tagulao na si Rommel. 1984, nagkaroon siya ng anak kay Alma Moreno - si Vandolph.

Nagkaroon rin sila ng anak ng kanyang long-time partner na si Zsa Zsa Padilla na si Zia at adopted daughter na si Nicole.

2: Ramon Revilla Sr. - number of children: 72

Noong November 2011, sinabi ng writer na si Portia Ilagan sa ABS-CBN sa isang interview na mayroong 72 na anak sa labing anim na babae si Revilla.
Photo credit: PEP
Photo credit: PEP

Si Portia ay naging spokesperson ni dating senador Revilla.

Aniya, 38 lamang daw ang kanilang kinikilala at nagdadala ng apelyidong Revilla.

Samantala, sa isang interview naman ng PEP sa isang anak ni Ramon na si Rowena Bautista-Mendiola, sinabi nitong, “"It's actually just 45. I have a list, e... we're only 45."
Photo credit: PEP
Photo credit: PEP

Si Ramon ay mayroong pitong anak sa kanyang asawang si Azucena Mortel. Sila ay sina Marlon, Rowena, Bong, Rebecca Bautista-Ocampo (Princess Revilla), Edwin (Strike Revilla), Andrea Bautista-Ynarez, at Dianne.

Siyam naman ang kanyang anak kay Genelyn Magsaysay. Sila ay sina Ma. Ramona Belen (Mara), Ragene Anne, Ragelyn Gail, Ram Joshua, Ramon Joseph (RJ), Raphael Julius, Reuben, Ramlyn Gabrielle, at ang namayapang si Ramgen Revilla.

1: Lou Salvador Sr. - Number of children: 102

Ang dating basketball player, stage actor at talent manager ay mayroon umanong 102 na anak sa 49 na babae.

Si Lou ay ama ng magaling na aktor na si Philip Salvador.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ilan sa mga kilalang anak ni Lou ay sina Alona Alegre, Leroy Salvador, Mina Aragon, Phillip Salvador, Ross Rival, Juan Miguel Salvador, Emil Salvador, at Jumbo Salvador.

Sa isang interview ng PEP ay Philip, sinabi nitong nakita at nakilala niya at lahat ng kanyang mga kapatid ng pumanaw ang kanilang ama.

Aniya, “Hindi ka maniwala nabuo kami, 102 kami. Bale, 49 mothers. Di ba, namatay si Papang, nagdatingan lahat sila? Panahon na nina Ate Mina [Aragon] yun, producer na sila nung namatay Papa ko."


***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment