Sa tuwing naririnig natin ang salitang 'lamay', ang agad na pumapasok sa ating isip ay nakaburol ang isang katawan ng yumao at nakahiga sa loob ng kabaong.
David Morales Colon / Photo from Google
Mayroon din namang mga pagkakataon na ang katawan ng yumao ay ikini-cremate.
Iba-iba ang paraan natin kung papaano natin gustong iburol ang ating mga mahal sa buhay upang maipakita natin kung gaano natin sila kamahal.
May iba pang bumibili ng mamahaling kabaong na gawa sa ginto upang maipakita lamang ang kanilang pagpapahalaga sa yumao.
Samantala, sa bansang Puerto Rico, kakaiba ang ginawa ng isang pamilya sa katawan ng kanilang mahal sa buhay na si David Morales Colon.
Kilala ang Marin Funeral Homes sa San Juan, Puerto Rico na gumagawa ng kakaibang klase ng pagbuburol base sa hiling ng pamilya ng yumao.
Hiling ng pamilya ni David ay maiugnay ang burol nito sa kanyang hilig sa pagmomotor.
David Morales Colon / Photo from Google
Ang ginawa ng funeral ay sinuotan si David ng protective suit at sinuotan ng salamin sa mata habang nakasakay ito sa paborito niyang motorsiklo na Honda CBR600.
Ang motorsiklo ay regalo umano ng uncle ng David sa kanya.
Ayon sa artikulo ng NyDailynews, tatlong araw lamang ibinurol si David bago ito dalhin sa kanyang huling hantungan.
Si David ay 22 taong gulang pa lamang at hilig talaga nito ang pagmomotor. Ito ang piniling arrangement ng kanyang pamilya dahil alam nilang magiging masaya ito at payapa dahil hanggang sa huli ay sinuportahan ang kanyang nais.
Narito pa ang ibang larawan ng mga yumaong inayusan ng Marin Funeral Homes.
Photo from Google
***
Source: Ny Daily News
No comments:
Post a Comment