Monday, January 30, 2023

Groom na naghahatid ng mga invitations para sa kasal, naaksidente

Mahilig tayong mga Pilipino sa mga pamahiin at paniniwalang hindi maipaliwanag. Isa na rito ay tuwing kaarawan natin ay sinasabihan tayong huwag pagala-gala dahil malapit raw tayo sa aksidente.
Photo credit to the owner

Bukod dito, pinag-iingat rin ng mga matatandang mahilig sa pamahiin ang mga malapit ng ikasal dahil lapitin rin sila sa aksidente.

Samantala, isang masayang kasalan sana ang magaganap ngunit nauwi ito sa malungkot at malagim na pangyayari na hindi inaasahan ng lahat.

Naging viral sa social media ang nakakalungkot na pangyayari sa Fausta, Calinan, Davao City matapos maaksidente ang groom ilang araw bago ang kanilang kasal.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Hindi na mapapakasalan ni Jonex Balano ang kanyang kasintahang si Melejie Hermoso matapos siyang masagasaan ng truck.

Ayon sa reports, naghahatid umano ng mga invitations para sa kanilang kasal si Balano nang mangyari ang aksidente.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Naka-motor noon si Balano ng masagasaan ng truck at magulungan. Agad na binawian ng buhay ang binata at idineklarang de*d on arrival nang dumating ang mga otoridad.

Labis labis naman ang hinagpis ni Melejie sa trahedyang sinapit ng kanyang kasintahan. 
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Maging ang mga netizens ay hindi mapigilang mapaiyak dahil sa nakakalungkot na pangyayaring ito. 








***

No comments:

Post a Comment