Sunday, January 29, 2023

Babae, buntis na nang malamang magpinsan sila ng kanyang asawa

Viral ngayon sa TikTok ang confession ng isang content creator kamakailan matapos niyang aminin sa publiko na ang kanyang asawa ay sarili niya pa lang pinsan.
Photo credit to the owner

Kwento ni Marcella, nalaman lamang nila na magpinsan sila ng asawang si Tage nang mabuntis siya sa kanilang unang anak.

Sa kagustuhan nilang mabigyan ng pangalan ang anak gamit ang pinagsamang pangalan ng kanilang lolo at lola, isang supresang rebelasyon ang sa halip na nadiskubre ng mag-asawa.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Husband was next to me on his own FamilySearch and he was like, ‘Oh that is funny, we have the same grandma and grandpa’s names,'” ani Marcella sa kanyang viral TikTok video.

“Then we start looking at it and we realize my grandpa is his grandma’s first cousin,” dagdag ng misis.

Panoorin ang video sa ibaba:

Agad naman nilang nakumpirma sa kanilang sariling lolo at lola na talaga ngang magkamag-anak sila.

“Sure enough, sure do. They lived together when they were growing up as children,” ani Marcella na sinabing third cousins sila ni Tage.

Sa isa pang video, ipinaliwanag din ni Marcella sa isang netizen na nagtanong kung bakit hindi agad ito nalaman noong sila ay ikinasal.

Panoorin ang video sa ibaba:

Aniya, isang intimate wedding at mabibilang lamang sa kanilang parehong pamilya ang dumalo sa kanilang kasal sa huwes.

“We got married at a courthouse after work on a Wednesday,” ani Marcella.
Photo credit to the owner

Photo credit to the owner

Sina Marcella at Tage ay parehong divorced sa kanilang mga dating asawa. Sila ay happily married sa loob ng 12 taon ay ngayon ay walong taong-gulang na ang panganay na anak na isinunod nila ang pangalan sa kanilang great-grandmother.


***

No comments:

Post a Comment