Saturday, January 28, 2023

Pulubing inakalang vlogger, hinahanap ng netizen matapos niyang ibigay ang kanyang buong sahod

Pinaghahanap ngayon ng isang netizen ang pulubing pinagbigyan umano niya ng kanyang buong sahod.
Photo credit: Yopop LD Jhenny Dampil

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Yopop LD Jhenny Dampil, nakasalubong niya sa daan ang nasabing pulubi at humingi ito ng pera sa kanya.

Sabi nya maari ko daw ba syang bigyan. Lumingon lingon muna ako at inabot ko sa kanya ang perang lahat ng nasa wallet ko.”

Ang buong akala umano ni D
ampil ay isang vlogger at nagpapanggap lamang na pulubi ang humingi ng pera sa kanya.
Yopop LD Jhenny Dampil

Photo credit to the owner

Sa buong pag-aakalang dodoble o may kapalit ang kanyang pagtulong, ibinigay ni Dampil ang lahat ng pera sa kanyang wallet.

Nagpasalamat ang pulubi sa netizen ay sinabing “mag antay lang ako at mayroong malaking bagay na magiging kapalit.

Isang oras na umanong naghihintay si Dampil kung may lalapit sa kanya at sasabihing social media experiment lamang ang nangyari, ngunit hindi ito nangyari.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

mukhang na isahan ako ng akala kong vlogger at ang akala kong magkakadoble pa ako ng sahod,” sabi ni Dampil.

Narito ang kanyang buong post:

“Kung sino po nakakakilala oh pamilyar kay kuya paki pm naman po ako. Lumapit po kanina saken si kuya at tinatanong kung magkano ang laman ng wallet ko . Sabi ko meron naman kasi kakawithdraw ko lang ng sahod ko. Sabi nya maari ko daw ba syang bigyan. Lumingon lingon muna ako at inabot ko sa kanya ang perang lahat ng nasa wallet ko. Sabi ko pa na mas kailngan mo yan ngaun kesa saken na ako ay may inaasahan naman sasahurin sa susunod.” kwento ni Dampil.

“Sabay sabi nya mag antay lang ako at mayroong malaking bagay na magiging kapalit.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Mahigit isang oras na ako nag aantay na may lalapit saken na may camera at sasabihing social experiment lang pero mukhang na isahan ako ng akala kong vlogger at ang akala kong magkakadoble pa ako ng sahod.” dagdag pa niya.

Matatandaang uso sa social media ang content ng mga vloggers na nagpapanggap na pulubi upang makahanap ng taong may mabuting loob na tutulong sa kanila at bibigyan nila ng kapalit o gantimpala.

Samantala, mukhang hindi naman totoo ang post ni Dampil dahil sa dulo nito ay sinabi niya ang salitang ‘sarcasm’.

Tinawag din niyang ‘comedian’ ang sarili base sa kanyang Facebook page. 


***

No comments:

Post a Comment