Friday, January 27, 2023

Paolo Contis inulan ng pambabatikos mula sa KathNiel fans

Talagang mainit na pinag-uusapan ang programa ni tito Boy Abunda na ‘Fast Talk’ sa GMA-7 na nagsimula lamang noong January 23.
Paolo Contis at KathNiel / Photo credit to the owner

Ilan sa mga nakapanayam ni tito Boy ay sina Marian Rivera, Alden Richards, at Bea Alonzo.

Ang susunod na isasalang sa Fast Talk ay ang aktor na si Paolo Contis na ngayon ay binabatikos ng KathNiel fans lalo na ng mga sumusuporta kay Kathryn Bernardo.

Hindi matanggap ng mga tagasuporta ni Kathryn ang pahayag ni Paolo sa pakikipag-usap niya kay Alden Richards sa episode ng Just In, ang show ng Sparkle sa Facebook at YouTube.
Paolo Contis / Photo credit to the owner
Paolo Contis at Alden Richards / Photo credit to the owner

“Yung number one movie ng Star Cinema at ABS-CBN, taga-GMA yung artista!” pahayag ni Paolo na talagang ikinainis ng mga fans ni Kathryn.

Ang 2019 movie ng ABS-CBN Productions na “Hello, Love, Goodbye” na pinagbidahan nina Kathryn at Alden ang proyektong tinutukoy ni Paolo.
Kathryn Bernardo at Alden Richards / Photo credit to the owner
Kathryn Bernardo at Alden Richards / Photo credit to the owner

Ang Hello, Love, Goodbye ang itinuturing na highest-grossing Philippine movie of all time sa kaslaukuyan.

Ayon sa fans ng aktres, si Kathryn ang dahilan kung bakit kumita ng malaki ng nasabing pelikula. Kumita ito ng PHP889.2 million.

Katulad ng ibang putol na video sa social media, mabilis itong hinusgahan ng mga netizens lalo na ng mga kabataan na kilalang ‘snowflakes’ o maramdamin. 
Kathryn Bernardo at Alden Richards / Photo credit to the owner
Kathryn Bernardo at Alden Richards / Photo credit to the owner

Dapat muna nilang mapanood ang kabuuan ng sinabi ni Paolo upang maunawaan nila ng lubos ang pinanggagalingan ng pahayag ng Kapuso actor.

Kadugtong ng naputol na video clip ay ang pagbibigay rin ng credit ni Paolo kay Kathryn, na siyang biggest female star sa bakuran ng ABS-CBN.

Pero sa kabila ng mga pang-aalipusta kay Paolo, tila hindi siya maaapektuhan at magpapaapekto.
Paolo Contis / Photo credit to the owner
Paolo Contis at Yen Santos / Photo credit to the owner

Sa pag-uusap nila ni Alden, sabi ni Paolo: “The more you bash, the more you earn!

“Totoo! Akala niyo naman, meron nagagawa sa amin [ang bashing]? Hindi, totoo! Akala niyo ba may nagagawa sa amin ang pang-aalipusta niyo?

“Bina-bash niyo kami, kakain kami.

"Merong isang nagsabi sa akin, e, ‘Paano ka nakakatulog sa gabi sa kahayupan mo?’

"Ay, maganda kasi ang kumot ko, unan ko. Malamang ikaw, sa papag ka natutulog. Ganoon lang kasimple yun,” katuwiran ni Paolo.

Panoorin ang video clip sa ibaba:

Basahin ang komento ng mga netizens:





***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment