Monday, June 5, 2023

Isang guro patuloy na nagtuturo habang karga karga ang anak

Umantig sa damdamin ng mga netizens ang isang guro mula sa Negros Occidental matapos niyang i-flex ang kanyang pagtuturo habang inaalagaan ang kaniyang anak na babae.
Photo credit: Renilen Casagan-Tingson

Sa Facebook post ng guro na si Ma’am Renilen Casagan-Tingson, 28-anyos, makikita ang mga larawan kung saan karga karga niya ang kanyang anak habang nagtuturo siya sa harapan ng klase.

Di ako masamang empleyado dahil nanay ako, at di rin ako masamang nanay dahil empleyado ako,” sabi ni ma’am Renilen.

“Sila: paano trabaho mo, kung lagi mong dala ang anak mo?”

“‘Unfiltered moment in my life as a working mom.’ Kapag naging nanay ka malalaman mo talaga kung hanggang saan ang kaya mong gawin/ibigay para sa anak at mga anak (student) mong umaasa sa’yo sa bawat araw.”
Photo credit: Renilen Casagan-Tingson
Photo credit: Renilen Casagan-Tingson

Alam daw ng kanyang mga estudyante niya na kahit inaalagaan niya ang anak niya, hindi naman daw siya pabaya sa kaniyang pagtuturo.

“My students know everything, just ask them kung gusto mo ng proof. Di porket dala ko anak ko sa trabaho araw-araw pinapabayaan ko ang responsibilidad ko bilang guro sa mga estudyante ko. Weeks na lang magtatapos na ang school year na ito pero proud ako sa sarili ko kahit kailan di ko pinabayaan ang pagiging guro/trabaho/responsibilidad ko sa mga anak ko (students).”

“YOU are not considered less of a worker if you’re a mother,” giit pa niya.

Sa isang panayam ng Balita kay ma’am Renilen, sinalaysay niya kung bakit araw-araw niyang kasama ang anak sa trabaho.

“Lumaki po kasi akong walang magulang, at alam ko po kasi ang feelings na walang nag-aalagang magulang at ayaw ko po maranasan niya yun kaya gusto ko po talaga ako mag-alaga sa anak ko,” aniya.
Photo credit: Renilen Casagan-Tingson

“Isa pa po sobrang hirap po maghanap ng mapagkakatiwalaang magbantay ang dami-dami pong case na minamaltrato ng yaya ang mga binabantayan yung iba kinikidnap po kaya wala po akong tiwala, natatakot po ako at wala akong peace of mind sa trabaho di ako maka-focus kapag pababantayan ko siya sa iba. Nagtatrabaho din po Papa niya,” sagot ng guro.

Marami naman ang humanga sa guro dahil hindi niya pinabayaan ang dalawang “anak” niya: ang kaniyang tunay na anak at mga estudyanteng itinuturing na anak sa loob ng paaralan.

Sa ngayon ay umabot na sa 15k shares ang post ni teacher Renilen.


***

No comments:

Post a Comment