Wednesday, June 28, 2023

Video ng babaeng nasa condo unit ni Ricci Rivero, sino nga ba ang nag-leak?

Sinabi ni Ricci Rivero na ang kayang ex-girlfriend na si Andrea Brillantes ang kumuha ng video ng babaeng nakatuwalya lamang sa kanyang condo unit.
Photo credit to the owner

Sa kanyang naging interview sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, June 26, 2023, “her" ang sagot ni Ricci nang tanungin kung sino ang kumuha video na kumalat sa social media.

Dahil sa kumalat na video, maraming nakisimpatiya kay Andrea at sinabing “cheater” ang basketball player kaya naghiwalay ang dalawa.

“Ang cause ng breakup, yung speculations na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl dun sa place ko.

"Pero ilang beses po naman naming pinag-usapan ito. Sobrang daming beses.

"Sinabi ko sa kanya, with all the evidences I have, na hindi sa akin yung girl.

"May papuntang friend akong midnight, tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Yun ang inabutan niya [Andrea],” paliwanag ni Ricci.

Samantala, ayon sa isang malapit kay Ricci, hindi umano kumpleto ang naging kwento nito kay Boy Abunda.

Sa isang article ng PEP, inilahad ng nasabing malapit kay Ricci ang kanyang nalalaman tungkol sa video na nag-leak sa social media at ginagamit laban kay Ricci.

Aniya, hindi raw magagawang magdala ng babae ni Ricci sa kanyang condo dahil kahit anong oras ay maaaring pumunta ang aktres doon dahil may access ito.

Saad nito, “Tulog si Ricci and his friends when Andrea arrived sa condo unit niya. Nasa iisang room lamang sila.

“Bakit magdadala si Ricci ng babae sa bahay niya when he knows that Andrea has access to his place anytime?

“Hindi nabanggit ni Ricci sa interview sa kanya ni Boy na hindi lamang siya ang tao sa condo unit niya. Naroroon din ang guy na kasama ng girl na pinagselosan ni Andrea, at nandoon din ang isa pang guy nang dumating siya [Andrea]."

Pagdating raw ni Andrea ay naka-ready na ang camera ng cellphone nito. Kinunan daw nito ng video ang babae, na lumabas nang nakatapis lamang ng tuwalya matapos piliting buksan ng aktres ang pinto ng comfort room kung saan ito naliligo.

“Sinasabi ng mga taong hindi nagsasalita si Andrea tungkol sa isyu, pero siya ang kumuha ng video ng girl na pinagselosan niya. Kaya sino ngayon ang nag-leak sa social media ng video at mga screenshot ng babae na nakatapis lang ng tuwalya? Paano yon lumabas?” nagtatakang sabi pa ng source.

Hindi naman makikita sa video at screenshots ang mukha ng nasabing babae.

Sa ngayon ay hindi pa ito lumalantad o nagpapakilala upang ipagtanggol ang sarili.

Kung tutuusin ay maaari itong magreklamo dahil sa pagkuha ni Andrea ng video habang siya ay nasa compromising situation.

Samantala, isang malapit na kaibigan naman ni Andrea ang nagsabing nahimasmasan na ang aktres at tanggap nito ang kanyang pagkakamali.

Kumbinsido rin daw itong hindi ang babaeng pinagselosan niya ang tipong magugustuhan o papatulan ni Ricci, pero higit na nangibabaw ang panibugho sa kanya.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Andrea kaugnay ng mga pahayag ni Ricci.


***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment