Lahat ng artista ay nangarap na sumikat at makilala sa larangan ng showbizness. May kanya-kanya silang diskarte sa pagalingan ng pag-arte at makuha ang atensyon ng masa.
Stefano Mori / Photo credit to the owner
Ngunit may ilang mga artista na sa kabila ng kanilang kasikatan ay mas pinipili nilang mamuhay ng tahimik at lisanin ang mundo ng showbiz.
Ang mga artistang ito ay madalas tumatak na sa isip at puso ng mga Pilipino at marami ang nagtataka o nagtatanong kung ano na nga ba ang nangyari sa kanila.
Isa sa mga artistang bigla na lamang nawala sa industriya ay si Stefano Mori na talaga namang kilala noong dekada 90s'.
Stefano Mori / Photo credit to the owner
Naging bahagi ng sikat na youth oriented show na ‘Ang TV’ noon si Stefano. Kasama ang mga kaibigang sina Carlo Aquino at John Prats, binuo nila ang bandang JCS.
Bukod sa kanyang mga TV appearances, nagkaroon din ng mga pelikula si Stefano katulad ng ‘May Nagmamahal Sa Iyo’ na nagbigay sa kanya ng Best New Actor award noong 1996 Star Awards for Movies.
Stefano Mori John Prats and Carlo Aquino / Photo credit to the owner
Stefano Mori John Prats and Carlo Aquino / Photo credit to the owner
Nakasama rin si Stefano sa mga TV Shows na Flames, Mula Sa Puso, Marinella, at G-Mik.
Naging ka-loveteam naman niya ang kapatid ni John na si Camille Prats.
Stefano Mori at Camille Prats / Photo credit to the owner
Stefano Mori at Camille Prats / Photo credit to the owner
Bukod sa pag-acting, nakilala rin si Stefano sa kanyang talent sa pagkanta at pagsayaw na mapapanood noon sa ASAP.
Sa kabila ng kanyang kasikatan, piniling lisanin ni Stefano ang showbiz noong 2002.
Ayon sa article ng sipified.com, bumalik raw ng Italy ang aktor sa ngunit walang nakakaalam kung ano ang dahilan.
May mga reports naman na nagsasabing ipagpapatuloy raw ni Stefano ang kanyang pag-aaral kaya siya umalis.
Base naman sa Youtube video mula sa The Pinoy Channel, si Stefano ay isa ng successful businessman ngayon. Sa katunayan ay siya raw ang may-ari ng Casa Italia restaurant sa Palawan at Italy.
***
Source: Pixelated Planet
No comments:
Post a Comment