Sunday, July 2, 2023

Andrea Brillantes, sumagot na sa mga pahayag ng ex-boyfriend na si Ricci Rivero

Binasag na ng aktres na si Andrea Brillantes ang kanyang pananahimik patungkol sa naging interview ng kanyang ex-boyfriend na si Ricci Rivero sa show ni Boy Abunda.
Photo credit to the owner

Sa ‘Marites University’, ibinahagi ni DJ JhaiHo kung anong napag-usapan nila ni Andrea tungkol sa issue na may nakitang babae ang aktres sa condo unit ni Ricci.

Text daw sa kanya ni Andrea, hubad daw ang babae na nakita ni Andrea sa condo unit ni Ricci.

“Sabi ni Andrea, ‘LOL. Nakalimutan niya atang sabihin na hubad kong nadatnan ‘yung girl’,” pagkekwento ni JhaiHo.

“Hubad sa kuwarto niya. Tulog siya, hindi daw nila alam ang nangyari. Lasing sila, hindi niya minention,” dagdag umano ni Andrea.

Matatandaan na sinabi ni Ricci sa kanyang interview na hindi raw sa kanyang yung babae.

“Sinabi ko sa kanya, with all the evidences I have, na hindi sa akin yung girl,” sey ni Ricci sa nagdaang interview.

“May papuntang friend akong midnight, tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Yun ang inabutan niya,
” dagdag pa niya.

Ang video raw ay kuha ni Andrea, kung saan makikita na nakatapis ng tuwalya ang babae. 


***

No comments:

Post a Comment