Friday, June 30, 2023

Babaeng binastos at ipinagtanggol umano ni Awra, naglabas ng kanyang pahayag

Nag-viral sa social media ang pagkaka-aresto kay Awra Brigula matapos itong masangkot sa gulong nangyari sa Poblacion, Makati.


Mapapanood sa social media ang pagkaka-aresto at pilit na pagsakay kay Awra ng mga otoridad sa isang sasakyan.

Hanggang sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng mga pulis si Awra dahil umano sa reklamong isinampa ng isang lalaking nagngangalang Mark Christian Ravana.

Ayon umano kay Mark, ipinapahubad umano ni Awra sa kanya ang damit nito ngunit tumanggi siya.

Dahil hindi nasunod ang gusto ni Awra ay pinunit umano nito ang damit ni Mark na naging simula ng gulo.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang kaibigan ni Awra na si Zayla Nakajima patungkol sa nangyaring gulo.

Aniya, ang grupo umano ni Mark ang unang lumapit sa kanila.

Ipinagtanggol lamang daw siya ni Awra sa pambabastos sa grupo nina Mark.

Nananawagan siya sa mga netizens na huwag maniwala at magkalat ng maling kwento sa social media.

“I feel like all of our real friends will definitely armor us with this kind of people and Awra is just too humane to be defending her girlfriends and different stories unravel online like a wildfire,” sabi ni Zayla.

“The handcuffing clips circulating online tolerated negative version of the story and this is something we don’t take lightly,” dagdag nito.



***

No comments:

Post a Comment