Tuesday, July 11, 2023

Pinay na pupuntang Taiwan, na-offload dahil hindi umano nakapagpakita ng 10 birth certificates ng kanyang kamag-anak

Ipinag-utos ng Bureau of Immigration (BI) na imbestigahan ang kaso ng isang Pilipina na na-offload dahil hindi umano ito nakapagpakita ng sampung birth certificates ng kanyang mga kamag-anak.
Photo credit to the owner

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, nakatakdang bisitahin ng isang pinay ang kanyang pinsan sa Taiwan nang ma-offload ito dahil umano sa “multiple red flags.”

Kinuwestiyon ng BI ang dahilan ng Pinay sa kanyang pagpunta sa Taiwan.

Naka-schedule ang pagbisita ng Pinay sa kanyang pinsan na si Ammie Liau sa Taiwan noong June 29. Na-rebook ang kanyang flight noong July 1 matapos umano itong hindi makapagpakita ng larawan nila ng kanyang pinsan na magkasama.

Ayon pa sa balita, hiningian umano ng immigration officer ang pinay na magpakita ng 10 birth certificates ng kanyang kamag-anak upang mapatunayan ang relasyon nila ni Ammie.

Gumastos umano ng P17,000 ang pag-sponsor ni Ammie sa flight ng kanyang pinsan.

Dagdag pa, marami umanong hindi pagkakatugma ang sagot ng pinay sa mga tanong ng immigration officer.

Maaari umano itong nagpaplano ng magtrabaho ng illegal sa Taiwan.


***


No comments:

Post a Comment