Saturday, October 7, 2023

Batikang aktres na nagkaroon ng karamdaman sa pag-iisip, ano ang nangyari sa buhay ni Cita Astals

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na maituturing na bilang isang beteranang aktres si Cita Astals kung kaya naman halos lahat ng manunuod sa telebisyon ay talaga namang pamilyar siya.
Photo credit to the owner

Si Cita Astals ay naunang sumikat sa palabas na 'Home Along Da Riles', isang top rated na palabas noong 90's kung saan ginampanan nito ang isang mabait at maunawain na boss ni Dolphy.

Bukod dito ay nabigyan din ng pagkakataon si Cita na makasama sa ilang pelikula katulad ng 'Engkanto' at 'Pempe ni Sara at Pen,' na parehong ipinalabas noong taong 1992.
Larawan mula sa showbiz

Dahil sa angkin na husay sa pag-arte at didikasyon ni Cita sa kanyang trabaho ay nagtuloy-tuloy ang kanyang karera sa mundo ng showbiz.

Sa paglipas ng panahon ay tinahak ni Cita ang landas ng pulitika at nagsilbi ito ng tatlong termino bilang isang konsehal ng Maynila hanggang sa natalo siya kay Isko Moreno sa pagka Bise Mayor.

Makalipas ang ilang buwan ay umalingawngaw sa mga balita na si Cita Astals ay namamataan sa ilang kalye at nagpapakita ng kakaibang pag-uugali na tila tinamaan ito sa problema sa pag-iisip.
Larawan mula sa showbiz
Tila nga naman nakakalungkot isipin na ang isang maganda at matagumpay na buhay ni Cita ay mababaliktad sa isang iglap lamang.

Ayon sa balita, si Cita Astals ay nagkaroon ng problema sa pag-iisip simula ng matalo siya sa eleksyon bilang Vice Mayor ng Maynila noong taong 2007.

"It was started there, noong natalo ako sa eleksyon noong 2007 and it really hit me that hard," ayon sa kanyang paliwanang.

"Ayaw ko na makipag-usap sa ibang tao. I kept on my emotion to myself. Kaya nga siguro tumindi ito kasi wala akong mahingahan ng sama ng loob. Kaya ako nagpagala-gala sa Maynila dahil ayaw ko na nasa bahay lang ako," saad ni Cita.
Larawan mula sa showbiz

Ayon pa sa kwento ni Cita, binabato-bato pa umano ng mga bata ang kanyang bahay noon at kapag isinusumbong niya sa mga pulis ay hindi umano sila naniniwala sa aktres kung kaya madalas siya umaalis doon at nagpagala-gala na lamang sa Maynila.

"Sinasabi nila na nasisiraan at may problema ako sa pag-iisip kung kaya lalong nadagdagan ang aking lungkot."

Dahil dito ay to the rescue ang kanyang mga kaibigan at kapatid para maipagamot siya at para maiayos ulit ang buhay niya.

Dinala si Cita sa rehab at sa awa ng diyos ay onti-onti itong bumalik sa tamang pag-iisip.

Pagkalipas ng ilang buwan ay nakalabas na ito at naging normal na ulit ang kanyang pag-iisip at kasalukuyan ngayon na nagtatrabahao si Cita sa isang kompanya ng call center sa Cavite.


***

No comments:

Post a Comment