Saturday, October 7, 2023

Naipundar na Mansion ni Dating Fernando Poe Jr. at asawang si Susan Roces, ipinasilip sa publiko

Walang hindi nakakakilala sa isa sa pinaka-beteranong  artista sa industriya ng showbiz na si Fernando Poe Jr. o mas kilala sa pangalang "FPJ". Dahil itinuturing siya ng mga tao na hari ng pelikulang Pilipino ay tinatawag din siyang "Da King".
Photo credit to the owner

Siya ay naging malaking idolo ng mga tao kung kaya naman hanggang ngayon ay marami pa rin ang bumabalik sa kanyang mga nagdaang pelikula.

Sa edad na labing apat ay nagsimula na si Da King sa kanyang karera sa showbiz at nagtuloy-tuloy ito hanggang nakagawa ito ng maraming hit na palikula at serye sa telebisyon ng Pilipinas.
Larawan mula sa Facebook
Larawan mula sa Facebook
Noong taong 1967 ay nagpakasal siya sa aktres na si Susan Roces at hindi nagtagal ay napagpasyahan nilang dalawa na mag-ampon ng isang bata at ang batang babae na ito ay si Senator Grace Poe.

Matapos nito ay muling nagpasya ang mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces na tumira sa Amerika at doon pag-aralin ang kanilang anak na si Grace.

Ginugol ni Grace ang kanyang kabataan sa Amerika at doon na rin ito nagtapos ng kolehiyo.
Larawan mula sa Philstar
Larawan mula sa Philstar
Noon pa man ay hindi naman sinikreto ni FPJ na nagkaroon din ito ng dawalang anak. Sila ay sina Ronian at Lourdes Virginia o kilala bilang si Lovi Poe.

Taong 2004 ay nagpasya si Fernando Poe na bumalik ng Pilipinas at tumakbo sa halalan bilang Pangulo ng bansa.

Sa hindi inaasahan ay sa kaparehong taon ay biglaang sumakabilang-buhay ang batikang aktor at marami ang nagulat sa balitang ito.

Ang kanyang anak na si Grace ang nagpatuloy sa kanyang pamana at tumakbo ito bilang Senador ng Pilipinas.

Ang mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces ay mayroong napaka-laki at napaka-gandang bahay sa Quezon na ipinama na sa kanilang anak na si Grace.

Makikita na ang pamanang bahay ay pinaghalong moderno at tradisyonal na disenyo.
Larawan mula sa realliving


Larawan mula sa realliving
Larawan mula sa realliving

Mapapansin na ang loob at labas ng bahay ay may kumbinasyon ng kultura at sining ng mga Pilipino na tila ang mag-asawa ang pumili ng napaka-gandang disenyo.


Ang mga dingding ng bahay ay kulay puti at ang mga materyales na ginamit sa tatlong palapag na bahay ay talaga namang dekalidad.

Puno din ng mga sentimental na halaga ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay at karamihan na dito ay mga antigo.
Larawan mula sa realliving

Larawan mula sa realliving
Sa katunayan ay mapapansin sa kanilang sala ang "Sarimanok" painting ng gawa ng isang tanyag na National Artist na si Abdulmari Imao at makikita rin dito ang obra ni Sandra Feller.

Sa kasalukuyan ay si Grace na ang nag-mamayari ng nasabing heritage house.

Wala din umanong balak si Grace na alisin ang ilang gamit sa kanyang bahay dahil isa ang mga ito sa naiwang ala-ala ng kanyang mga mahal na magulang.


***

No comments:

Post a Comment