Ang pagpapakasal minsan ay napakagastos na selebrasyon. Ang ilan ay gumagastos pa ng libo-libo o milyon kapag gusto nila itong gawing engrande.
Photo credit: Estela Puso
Sa panahon ngayon, kahit ang simpleng kasalan ay magastos na rin. Katulad na lamang ng isang babaeng naglabas ng sama ng loob sa simbahan kung saan ikinasal ang kanyang kapatid na lalaki.
Sa Facebook post ng netizen na si Estela Puso, ikinasal ang kanyang kapatid sa simbahan ng Bagong Silang, Caloocan City.
Kwento ni Estela, dalawang libo raw ang bayad sa simbahan ngunit pwede silang magdagdag ng limang libo upang may kasama na itong dekorasyon.
Ngunit sa araw ng kasal ay nagulat ang pamilya ni Estela dahil sa ginawang dekorasyon ng simbahan.
Aniya, ang carpet raw pinagtagpi-tagping tela lamang.
Ang mga bulaklak umanong ginamit ay parang “pinulot lang sa divisoria yung mga scrap lang.”
Photo credit: Estela Puso
Ang mas nakakapanlumo sa lahat ay ang ginamit na dekorasyon sa entrance arc. Imbes na mga ballons ay plastic labo ang ipinalit.
Samantala, kahit na marami ang nadismaya sa naging dekorasyon ng simbahan, marami pa rin ang bumatikos kay Estela dahil sa pagrereklamo nito.
Anila, magastos raw talaga ang pagpapakasal at kung tutuusin ay mura pa ang limang libo para sa dekorasyon.
Basahin ang buong post ni Estela sa ibaba:
“At dahil tapos na ang kasalan fever (PUSO & BARINIANO nuptial) Magco comment na ako.!!
Kahapon pa ako nanggigigil, sa organizer at sa simbahan ng katoliko (katoliko rin ako pero kapag nakakagigil at totoo naman, bwisit ako!)
Una, ang mahal ng singil nyo sa ikakasal. (2 kapatid ko na nagpakasal. Lalo na here sa Laguna 5k ang singil. Wala pa daw design yun.!) at eto na naman, sa Bagong Silang Caloocan city. (2k + 5k sa design. Daw)
Ano ba ang naabutan namin na design?
Entrace (lobo na plastick labo. 9p/100pcs. Lang)
Yung isle ng rarampahan di ko malaman kung dual color o talagng tinagpi tagping tela lang.
Yung flower parang pinulot lang sa divisoria yung mga scrap lang!
Tingnan nyo naman yung mga abay at bride, nag ayos diba. Then, yung rarampahan ganyan kapangit. Dapat sinabi agad na yan lang pala, kaming magkakakapatid na lang ang gumawa.
At eto pa, pati yung magbabasa manggagaling din samin? So sorry sa natarayan ko na staff.
(Narito ako as witness, hindi para maging staff nyo. busy rin kaming lahat. Dapat kayo ang magbasa.) totoo naman kasi bayad nga kayo diba?
And nakakapagtaka talaga sumingil ang SIMBAHAN NG KATOLIKO, libo libo. Kasal at binyag, grave. Dapat talaga lagyan kayo ng TAX. Sobra na kayo ha, noon pa kinasal din kami libo rin siningil, nagpabinyag din ako noon 1k daw bawat isang ninong at ninang. NEGOSYO lang ang peg. Kaya tayo nilalait ng ibang religion, daming dapat baguhin sa sistema nyo!!
Again, katoliko rin ako. Pero dahil nabasa ko ang bible. Dami kong tanong sa inyo!!!”
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
“To tell you honestly po, napaka mura na nyan, if your telling us na namamahalan ka sana nga po kayo nalang ang gumawa baka mas mahal pa yung binayad mong 5k sa simbahan sa magagastos mong decoration, isipin mo muna sasabihin mo maam before ka magpost ng kung anu ano, i know its your right pero nakakabastos yang ginagawa mo, may isip naman po siguro kayo, di lang po simbahan ang nadadamay kundi yung mga taong bumubuo nito at isa kana din po dun maam, walang simbahan kung wala tayo tandaan mo yan,” sabi ni Jec Cortez.
“Budget sa kasal na 5k pinaghandaan ng kapatid mo ng 2 taon. Paano pa kaya ang pagbuo ng pamilya niyan? Hala jusko. Daming kuda wala namang laman.,” sabi ni Alex Casiro.
“Kakahiya nman tong babaing to..nag hahanap ng magandang kasal wala nman palang bdjet sisihin pa ang simbahan...ate kong gusto nyong bugang kasal mag ipon muna kayo para sa bunggang kasal na yan. 5k natural ganyan lang madadatnan nyo. embis magpasalamat nanira pa..kaluka 5k lng naghap pa ng magandang rarampahan..ambisyusang walang pang bdjet tama lang talaga yan sa 5k nyo.” sabi ni Lyn Estares.
“5k moh teh pang invitation lng yn.. wla k nma pla wedding organizer tpoz mag eexpect k ng maganda...? Nag rereklamo k s ginastos mong 5k sa KASAL..?? Juice colored..!! Dapat s kasalang bayan n lng kayo dun bibigyan kp pera..!!” sabi ni Alexis Vergara Muerong.
“kung magaling lang yung magdedesign, i think yung 5k na budget kakasya yun lalot madiskarte at creative talaga ang gagawa. di naman cathedral yung dedekorasyunan. kaso kinuha na muna nila agad yung service fee nila bago yung service kaya yan na lang natira sa budget,” sabi naman ni Jocelyn Metucua.
***
Source: Estela Puso | Facebook
No comments:
Post a Comment