Nakatikim ng matinding batikos si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro mula sa social media personality na si Claire Contreras, mas kilala bilang "Maharlika," matapos punahin ni Castro ang pagpapriority ni Vice President Sara Duterte sa mga pagbiyahe sa ibang bansa, na ikino-quote ni VP Sara bilang "road to dumpster" ang kalagayan ng Pilipinas.
Photo credit to the owner
Sa press briefing na isinagawa noong Miyerkules, Marso 26, 2025, ipinahayag ni Castro ang kanyang puna sa patuloy na pananatili ni VP Sara sa The Hague, Netherlands, kung saan matatagpuan ang International Criminal Court (ICC). Sa nasabing lugar, naroon si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang arestuhin noong Marso 11 dahil sa kasong "crimes against humanity."
“Siguro sinasabi n’ya ‘yan na road to perdition na tayo, bakit? Dahil hindi naman niya nakikita kung ano ang mga ginagawa, proyekto, programa na naisagawa na at naitulong na ng pamahalaan sa taumbayan. Dahil malamang hindi siya nanonood ng ating press briefing everyday,” saad ni Castro.
“Hindi ba mas magiging…mapupunta tayo sa dumpster kung ang magiging Pangulo natin o ang magiging leader natin ay ang mga katulad nina VP Sara? Mas inuuna pang magpunta sa abroad. Magsilbi sa isang tao, although tatay n’ya po yun. Pero marami pa rin pong Pilipino na umaasa sa kaniya bilang Bise Presidente. Mahihirapan po tayong magkaroon ng Pangulo kung lagi pong nasa abroad, hindi po ginagawa ang trabaho dito sa Pilipinas," aniya pa.
Samantala, sa isang panayam, binanggit ni VP Sara na kahit na siya ay nasa ibang bansa, patuloy pa rin niyang ginagampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang Bise Presidente.
“Pero as Vice President, may duty din ako sa isang kababayan natin, isang Filipino citizen who is held against his will dito sa ICC detention center,” ani VP Sara.
“So huwag nating isipin na tatay ko siya. Isipin na lang natin na Vice President ako at gumagawa ako ng paraan kung paano maibalik natin ang isang Filipino citizen sa ating bayan,” dagdag pa niya.
“Multitasking ako. Nandito ako as vice president, ginagawan ng paraan paano maibalik ang dating pangulo sa ating bayan. Nagtatrabaho ako through our satellite offices, through our central office of the Office of the Vice President, tuloy-tuloy ang serbisyo namin para sa bayan."
Sa kabilang banda, sa kanyang pinakabagong vlog, matinding binatikos ni Maharlika si Usec Castro dahil sa mga pahayag nito laban kay VP Sara.
Aniya, "Inuuna raw ni Inday [Sara] ang mag-travel-travel dito sa Netherlands. Pumunta ba si Inday rito, si VP Sara, para mag-travel siya, business trip or luxury trip. Nakalimutan mo ba Dugyot, vlogger ng Malacañang-turned-Undersecretary na ang amo mo, umikot-ikot sa buong mundo, bitbit pa ang mga pulvoronic niyang mga ka-jamming..."
Ayon kay Maharlika, tila wala raw gustong mag-invest sa Pilipinas dahil sa pagkakaroon ng "extortion" sa gobyerno, na nagiging sanhi ng kawalan ng tiwala ng mga banyaga.
Hanggang ngayon, wala pang tugon, reaksyon, o pahayag mula sa kampo ni Usec Castro tungkol sa mga akusasyong ito.
***
Source: Balita
No comments:
Post a Comment