Pinanagot ng Court of Appeals (CA) si PNP Chief Gen. Nicolas Torre III at apat pang opisyal ng pulisya sa pagkawala ng Bicolano activist na si Felix Salaveria Jr.
Photo credit to the owner
Bukod dito, binigyan din ng legal na proteksyon ang mga anak ni Salaveria sa pamamagitan ng writ of amparo at writ of habeas data.
Ayon sa 62-pahinang desisyon ng CA na may petsang Hulyo 21, sina Torre—na dating direktor ng CIDG—at ang iba pang opisyal ay nabigong “to exercise extraordinary diligence” sa pag-imbestiga sa kaso.
Inutusan ng korte ang National Police Commission at ang PNP na magsagawa ng “serious, effective and thorough” na imbestigasyon kaugnay ng umano’y pagdukot kay Salaveria ng mga law enforcement agents.
Ayon sa korte, “Evidently, the lack of a prompt and thorough official inquiry into the allegations made by petitioners indicate a laxity of the required diligence on the part of respondents.”
Dagdag pa nito, “This court simply cannot write finis to this case on the basis of an incomplete investigation conducted by the police and the military. In a very real sense, the right to security of Felix is continuously put in jeopardy because of the deficient investigation that directly contributes to the delay in bringing the real perpetrators before the bar of justice.”
Pinaliwanag din ng korte na ang writ of amparo ay remedyo para sa mga taong ang karapatang mabuhay, maging malaya, at maging ligtas ay nilalabag o nanganganib dahil sa ilegal na kilos o kapabayaan ng opisyal ng gobyerno o kahit pribadong tao.
Ang writ of habeas data naman ay legal na proteksyon laban sa sinumang nangangalap o gumagamit ng personal na impormasyon na labag sa batas.
Noong Agosto 28, 2024, sapilitang isinakay si Salaveria, 66 anyos, sa isang gray na van sa Barangay Cobo, Tabaco City, Albay—limang araw matapos mawala ang kanyang kaibigang aktibista na si James Jazmines. Nakuhanan ng CCTV ang insidente.
Noong Nobyembre 2024, lumapit sa Korte Suprema ang mga anak ni Salaveria na sina Felicia at Gabreyel Ferrer para humingi ng legal na tulong. Pinagbigyan sila noong Enero 13, 2025, at inatasang i-review ng CA ang kaso.
Sa naging ruling ng CA, sinabi nilang matapos ang “meticulous scrutiny” ng mga ebidensiya, lumabas na “the respondents from the PNP failed to discharge the burden of extraordinary diligence in the investigation of Felix’s enforced disappearance.”
Bukod kay Gen. Torre, pinanagot din ng CA sina:
Police Brig. Gen. Andre Perez Dizon (Regional Director, PRO-V)
Police Col. Julius Añonuevo (Provincial Director, Albay)
Police Col. Ivy Castillo (CIDG Regional Field Unit 5)
Police Lt. Col. Edmundo Cerillo, Jr. (Hepe, Tabaco City Police)
Inutusan sila ng korte na panatilihin at ibahagi sa Commission on Human Rights (CHR) at iba pang ahensya ang lahat ng ebidensiyang may kinalaman sa kaso.
Ayon sa abogado ng pamilya Salaveria na si Atty. Ben Galil Te, “Hopefully, if the respondents comply fully, this could lead to the surfacing of Felix.”
Dagdag pa niya, “Even as the State continues to evade responsibility and hide the truth, our clients are determined to pursue justice—not only to surface Felix but to hold all those involved accountable, even those in the highest levels of government."
***
Source: Inquirer
No comments:
Post a Comment