Isa sa pinakamalalaking pangarap ng marami sa atin ay ang magkaroon ng sariling anak sa tamang panahon. Ito ay isang biyayang kaloob ng Panginoong Diyos
Photo credit to the owner
Nakakalungkot isipin na may mga magulang na nagiging iresponsable at inuuna ang sariling interes kaysa sa kapakanan ng kanilang mga anak.
Sa Cixi City, Zhejiang Province, China, isang 20-anyos na babae ang nagsilang ng kambal. Ngunit sa halip na alagaan at palakihin ang mga sanggol, ipinagbili niya ang mga ito.
Ang kambal na lalaki ay naibenta sa magkaibang halaga: ang isa sa 45,000 yuan (humigit-kumulang ₱316,370), at ang isa naman sa 20,000 yuan (₱140,609).
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ang kanyang dahilan sa pagbenta ng kambal na anak ay upang mabayaran umano ang mga utang sa credit card. Dahil sobra pa ang kanyang pera ay bumili na rin siya ng branded at mamahaling cellphone.
Sa kabilang banda, nagparamdam sa kanya ang ama ng kambal ngunit hindi para magalit ito sa ginawa niya sa kanilang anak kundi upang humingi rin ng pera para pambayad sa mga utang nito sa sugal.
Nang malaman ito ng awt0ridad ay agad silang inåresto at nahaharap sa kaukulang kas0 habang ang kambal na sangg0l naman ay nabawi mula sa mga taong bumili.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ang kambal ng kanilang lolo at lola.
***
No comments:
Post a Comment