Usap-usapan ngayon ang balita ng New York Post tungkol sa isang social media personality sa Amerika na gumastos ng higit ₱500,000 upang maibalik umano ang kanyang virginity.
Júlia Medeiro / Photo credit: Google
Batay sa ulat, ang naturang babae ay kinilalang si Júlia Medeiros, isang Brazilian blogger na kasalukuyang naninirahan sa Miami, Florida.
Muling naibalik umano ang natural na anyo ng kanyang ari matapos siyang sumailalim sa isang operasyon na kilala bilang hymen reconstruction surgery.
Ayon sa The Daily Star, ginawa raw ito ni Medeiros matapos siyang malinlang ng kanyang dating kasintahan.
Júlia Medeiros / Photo from Google
“Just like many women, I was deceived. I was promised marriage and children like in fairytales,” dagdag niya.
Matapos ang karanasan, iniingatan na ngayon ni Julia ang kaniyang birhen na aniya’y handa siyang ibigay sa isang “someone special.”
Júlia Medeiros / Photo from Google
Júlia Medeiros / Photo from Google
“I always wanted to have that special moment for myself. I want it to be unique and romantic, like in fairy tales. That’s why I had the surgery,” pag-amin pa ni Julia.
Samantala, sa Pilipinas ay naging mainit na paksa noong 2021 ang dokumentadong pagpapa-‘sikeps’ ng kontrobersyal na vlogger at online personality na si Toni Fowler.
Ang isinagawang non-surgical procedure ay tinatawag na Thermiva, na layong magpatibay at mag-rejuvenate ng labia at vaginal area.
Toni Fowler / Photo credit to the owner
“Yung physical appearance kasi ng private part ko, hindi na siya katulad ng dati. Kasi siyempre, nagkaanak na ako, may tao nang lumabas doon. Kaya naisipan kong subukan ‘yung vaginal tightening treatment.”
“Marami sigurong ibang kababaihan na gustong ipaayos ‘yung hitsura ng private part nila at may malalalim silang mga dahilan. Kaya ko vin-log ‘yung experience para sabihin sa mga tao na ‘wag silang mahiya kung gusto nilang gawin ‘to kasi hindi naman kasalanan gawin ‘to,” sabi ni Toni noon.
***
Source: Balita
No comments:
Post a Comment