Friday, August 15, 2025

Pulubing ama na nagbebenta ng ballpen noon, ibang-iba na ang buhay ngayon

Bilang mga magulang, likas sa atin ang hangaring maibigay ang pinakamahusay na kinabukasan para sa ating mga anak. 
Larawan mula howtocare

Anumang hirap, pagod, at sakripisyo ay handa nating tiisin alang-alang sa kanilang kapakanan. Ngunit may mga pagkakataon na dahil sa bigat ng sitwasyon, napipilitan tayong isama ang ating mga anak sa paghahanapbuhay—hindi dahil gusto natin, kundi dahil wala tayong ibang pagpipilian.

Ito ang pinatunayan ng isang pulubing amang syrian refugee na karga-karga ang kanyang anak habang nagbebenta ng ballpen sa gilid ng kalsada.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Sa bansang Lebanon, marami ang nahabag sa mga larawang kumalat sa mga internet sites kung saan makikita si Abdul Halim al-Attar na nagbebenta ng ballpen habang umiiyak na tila nagmamakaawa na bilhin ang kanyang mga paninda.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang mga larawang kumalat ang naging daan upang matupad ang mga pangarap ni Al-Attar.

Ayon sa website na howtocare.net, nang mag-viral ang mga larawan ni Al-Attar ay may nag magandang loob na tulungan siya. Ang IndieGogo na isang crowdfunding site ay binigyan siya ng $191,000 o humigit kumulang na 10 million pesos.
Larawan mula howtocare

Photo credit to the owner

Bagamat umabot sa $191,000 ang kabuuang halaga ng donasyong nalikom, bumaba ito sa $168,000 matapos ibawas ang mga processing at bank fees. Gayunpaman, para kay Al-Attar, ito ay isang napakalaking biyaya na lubos niyang ipinagpasalamat.

Ang halagang ito ang naging tulay upang matupad niya ang matagal nang minimithing pangarap—ang magkaroon ng sariling tahanan at maitaguyod ang isang maliit na panaderya.
Larawan mula howtocare

Photo credit to the owner

Umunlad nang husto ang negosyo ni Al-Attar at lalo pa niya itong pinalago sa paglipas ng panahon. Hindi siya nakalimot sa kanyang pinagmulan—sa halip, ibinahagi niya ang biyayang natanggap sa pamamagitan ng pagtulong sa iba. Kumuha siya ng 16 na kapwa Syrian refugee upang maging bahagi ng kanyang panaderya, nagbibigay ng hanapbuhay at pag-asa sa mga taong tulad niyang nakaranas ng matinding hirap.

Dahil sa kanyang malasakit at dedikasyon, naging matagumpay ang kanyang panaderya. Nakilala ito hindi lamang sa kalidad ng serbisyo, kundi sa masasarap na tinapay at shawarma na kanilang iniaalok sa mga mamimili. Ang kabutihan at sipag ni Al-Attar ang nagsilbing susi sa patuloy na paglago ng kanyang negosyo.
Larawan mula howtocare

Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Nagawa din niyang bigyan ng bahay ang kanyang pamilya at pinagtuunan niya din ng pansin ang pag-aaral ng kanyang anak na halos tatlong taon ng nahinto.

Ang pagsusumikap, kababaang loob at pagtityaga ang naging daan ni Al-Attar upang siya ay umasenso at makamit ang pinapangarap na buhay. Lubos-lubos ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong sa kanya.


***
Source: Howtocare

No comments:

Post a Comment