Simula nang mabanggit ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos ang umano’y anomalya kaugnay sa construction business ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, partikular sa flood control project, ay araw-araw na silang tampok sa mga balita.
Lalo pang nabigyang-diin ang isyu nang lumabas ang panayam ni Julius Babao sa mag-asawa, na una nang nai-upload sa kanyang YouTube channel na “Unplugged” noong nakaraang taon. Ayon sa naturang panayam, isa umano sa mga dahilan ng pag-angat ng pamilya Discaya ay ang pagkakakuha ng mga proyekto mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Noon, wala pang isang milyon ang views ng nasabing panayam, ngunit matapos pumutok ang isyu ay umabot na ito sa 1.4 million views as of this writing. Dahil dito, inaasahang kumikita ang naturang vlog, bagay na nagbunsod din ng batikos laban kay Babao dahil sa umano’y paglabag sa Journalism Ethics.
Maraming nais kumuha ng panig ng beteranong mamamahayag, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa siyang opisyal na pahayag hinggil sa kontrobersiya.
Gayunpaman, may inilabas siyang Instagram post na nagpapahayag ng pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta at nakauunawa sa kanya.
Ani Julius, “A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out."
Ang kanyang caption ay may kasamang quote mula kay Walter Winchell, isang American syndicated newspaper gossip columnist at radio news commentator:
“Maraming Salamat sa pagmamahal at pag-unawa ng mga TUNAY na kaibigan! Ngayon alam ko na kung sino kayo. God Bless You All!”
Naka-off naman ang comments section sa Instagram account ng news anchor ng Frontline Pilipinas sa TV5.
***
Source: Inquirer
No comments:
Post a Comment