Marami ang sumang-ayon sa panukala ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz kaugnay ng nalalapit na presidential elections sa 2028.
Sa isang Facebook post, nanawagan si Diaz sa mga planong tumakbong pangulo na maagang ihayag ang kanilang intensyon upang mabigyan ng sapat na panahon ang publiko na kilatisin sila bago ang halalan.
Binanggit din niya na kung walang magiging katunggali, may malaking posibilidad na manalo si Vice President Sara Duterte sa pagka-presidente.
Base ito sa survey ng Tangere na isinagawa noong Hunyo 20–22, kung saan nanguna si Duterte bilang paboritong presidential bet para sa 2028.
“Sa 2028 Presidential survey, nangunguna si VP Sara Duterte. Kasi alam ng mga tao na sure na tatakbo. Pag wala pang nag-announce next year, malaki ang chance panalo si VP Sara.
“Maraming nagtutulak uli kay Ma’m Leni Robredo, pero tahimik lang si Mam Leni kahit nasa kanya ang qualities ng isang dapat at karapat-dapat na iluklok — malinis ang track record, hindi corrupt, matino.
“Si Sen. Raffy o si Sen. Erwin Tulfo, nakakuha din ng porsiyento sa survey, pero wala pa ring kibo kung tatakbo o hindi.
“Kaya dapat ngayon pa lang, mag-announce na yung mga tatakbo.
“Kung tutuntong nga lang ng 40yo si Mayor Vico Sotto bago mag-eleksyon, tapos na ang boxing, eh. Dami nanghinayang.
“Sabi nga nila, kung magkakaroon daw ng charter change, malamang ibaba sa 35 o 38 at hindi na 40 ang edad ng tatakbong Presidente dahil sa presence ng digital technology at pagbabago-bago ng pananaw at pangangailangan ng mga tao,” ang punto ng host at vlogger.
Dagdag pa ng online host, kailangan nang makondisyon ang isip ng mga botanteng Pinoy kung sinu-sino ang pwede nilang pagpiliian bilang kapalit ni Pangulong Bongbong Marcos.
“Anyway, tahimik ang mga gustong tumakbo. Baka daw bugbugin ng fake news, black propaganda at misinformation.
“Juice ko, sa panahon ngayon, kailangan nang makondisyon ang utak ng taumbayan kung sino pa ang ibang pamimilian. Hayaan nyo nang bugbugin kayo ngayon ng fake news. Eh di bugbugin nyo rin ng fact news with resibo.
“Itigil na yung rason na ‘maaga pa, baka sabihin, namumulitika.’ Kung 2027 pa mag-a-announce, nako, maghahabol na yon.
Kung malinis ang intensyon, hayaan mo na silang mag-isip na namumulitika ka. Sa halip, isipin mo kung yang uri mo ang kailangan ng bayan at ng taumbayan,” ang punto pa ni Mama Ogs.
Dagdag pa ni Diaz, mahalagang makondisyon nang mas maaga ang mga botante tungkol sa mga maaaring pumalit kay Pangulong Bongbong Marcos.
“Kung malinis ang intensyon, hayaan mong isipin ng iba na namumulitika ka. Ang mas mahalaga ay kung ang iyong pagkatao at layunin ay angkop at makabubuti para sa bayan at sa taumbayan,” ani Diaz.
***
No comments:
Post a Comment