Naglabas ng medical examination result si Edgar Concha Jr., mister ni Jam Magno, bilang ebidensya umano sa naranasan niyang pang-aabuso.
Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Agosto 22, ibinahagi ni Edgar ang resulta ng pagsusuri na nagpakita ng pagkakaroon niya ng multiple abrasions sa “left temporal area,” soft tissue contusion, hematoma sa kaliwang bahagi ng mata (left sclera), at mga gasgas sa braso sanhi ng kuko.
“It’s funny how you immediately deleted all your recent posts against me after I gave a warning that I would expose you for who you really are,” saad ni Edgar.
Dagdag pa niya, “Well, remember this? Ako pala si Ed ang tinawag mo na bayot buang and abog. Sana masaya ka sa ginawa mo. ”
Bagama’t walang tinukoy na pangalan si Edgar kung sino ang responsable sa insidente, ilang netizens ang naghinala na si Jam Magno ang sangkot. Lumabas din ang sari-saring komento mula sa publiko ukol dito.
"Para sa akin Sir Change your status na Sir Gawin mo ng SingleTama yong maghiwalay na kayo ng ex mo kaysa habang buhay mong pagtiisan ang ugali ni Ex mo. Love yourself Sir wag mo nang e expose ang katotohanan at Hindi mo na kailangan patunayan na wala kang kasalanan Ikaw mismo ang nakakakilala sa X mo. Kung gusto mo ng peace manahimik ka na Lang at lilipas din yan sa buhay mo just move on for the next chapter of your life."
"Hala naa na jd sakit si jam mentally ill jd Siya .... Kung gebawsan pana nmo sir murag ma dislocate jd ang panga sa maligno"
"Ayaw pang deactivate jam ha"
"Psychopath na Jam magno."
"nakawala naka sa anak sa Devil Sir!"
"Hala grabe mani c magno oi..naa n cya sakit dli mani mabuhat sa normal n tao dios ko pa tulfo n sir ddto mkakuha jud ka hustisya tabangn jud ka nila..hlos nmn ka nia butahn oi"
Matatandaang noong Disyembre 2023, naharap si Jam Magno sa kasong psychological violence na paglabag sa Section 5, Article 3-C ng Republic Act 9262 o Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act.
***
No comments:
Post a Comment