Sinubukan ng komedyanteng si Eric Nicolas na ibenta kay Boss Toyo ang boxing gloves na ginamit ni Philippine National Police (PNP) chief Nicolas Torre sa isang charity event.
Photo credit to the owner
Sa pinakabagong episode ng programang *Pinoy Pawnstars*, personal na nagtungo si Nicolas upang ipakita ang naturang gloves na ginamit ni Torre sa exhibition match laban kay acting Davao City Mayor Baste Duterte.
Hindi dumalo si Duterte kaya’t idineklara si Torre bilang panalo by default. Host ng nasabing event si Nicolas, na nagpakuha pa ng pirma sa gloves matapos ang laban.
Ayon sa komedyante, nakatakda sanang mapunta sa dalawang animal welfare foundations ang kikitain mula sa pagbebenta ng gloves.
“Ayoko ng naka-display lang siya. Gusto ko katulad ng ginawa nila, may kahihinatnan,” saad ni Eric.
Una niya itong inialok sa halagang ₱500,000 ngunit tinanggihan ni Boss Toyo. Sa halip, nag-alok ang personalidad ng ₱27,000. Tumanggi si Nicolas at itinaas ang kanyang minimum offer sa ₱140,000.
“Ikaw lang ang meron nito. Mula Luzon hanggang Mindanao, ikaw lang,” pangungumbinsi ng komedyante.
Kalaunan ay kumonsulta si Boss Toyo sa isang kaibigang collector, na nagsabing nasa ₱30,000 lamang ang tunay na market value ng item. Dahil dito, napagkasunduan na hindi muna ito ibenta at sa halip ay isama na lamang sa auction ng *Pinoy Pawnstars* sa Setyembre.
Umaasa si Nicolas na sa pamamagitan ng bidding ay makakalikom siya ng mas malaking halaga para sa kanyang napiling mga charity.

***
No comments:
Post a Comment