Naglabas ng opisyal na pahayag ang Korina Interviews at Rated Korina kaugnay ng naging pahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto hinggil sa umano’y pagbabayad ng ilang mamamahayag upang makapanayam ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.
Photo credit to the owner
Matatandaang si Sarah Discaya ay nakalaban ni Sotto sa pagka-alkalde ng Pasig noong nakaraang 2025 midterm elections.
Mariing pinabulaanan ng programa ang bahagi ng pahayag ng alkalde, partikular sa alegasyong may ilang journalist na nakatanggap umano ng ₱10 milyon.
“Yes, Mayor Sotto, there are payments for certain businesses such as that of the Discayas, products, personalities, companies or politicians much like payments made for advertisements — and these go to the network with an official receipt issued to the client,” saad ng programa sa isang pahayagan.
Dagdag pa nila, “There is no such thing as a P10 million placement for an interview. It is irresponsible to even say such, to say the least. As your malice is posted on Facebook and publicly besmirches the reputation of Ms. Sanchez, this clearly constitutes cyber libel.”
Giit pa ng production team, maituturing na “slanderous” ang akusasyong iresponsable ang kanilang programa, dahil ang kanilang mga inilalabas na panayam ay hindi umano bayad kundi bahagi ng regular na nilalaman ng palabas.
“Who are we to presume our interviewees as evil with no basis or evidence long before they come into controversy? Are we also to presume you are guilty of overpricing the construction of government buildings just because your opponent thinks so? Are we to automatically deduce you are grandstanding at the expense of others because this is your last term and are planning to run for higher office?” dugtong pa nila.
Inaasahan namang magbibigay ng hiwalay na pahayag si veteran journalist at host ng programa, Korina Sanchez-Roxas, hinggil sa isyung ito.
***
No comments:
Post a Comment