Sinagot ng actor na si Romnick Sarmenta ang ilang netizen na bumabatikos sa mga post niya sa social media.
Photo credit to the owner
Ayon sa aktor, napansin niya ang tatlong netizen na tila minamaliit siya at nagsasabing hindi naman siya kilala, sa kabila ng mga komento mula sa iba na patunay ng kanyang kasikatan.
Sa isang post sa X (dating Twitter), ipinahayag ni Romnick na nakapagtataka kung bakit sinasabihan siyang huwag na lamang pansinin, gayong wala naman daw siyang personal na kaugnayan sa mga nagsasabi nito.
“Sabi nu’ng isa, wag kasi nating pansinin, sino ba yan? Pero mga apat na beses nag comment,” pahayag ni Romnick.
Dugtong pa niya, “Check ko profile…Ayun dalawa followers, anime pa yung isa. Hay may tatlong di pumansin sa akin. Iyak na ba ako? Hindi. May bayad yun eh.”
Bagama’t hindi siya tuwirang nagbanggit ng pangalan, marami ang nagpalagay na ang mga tinutukoy niya ay mula sa hanay ng mga DDS, lalo na dahil sa kanyang pagsuporta kay Vice Ganda.
Matatandaang nanawagan ang mga DDS na i-boycott ang isang fast food chain na ineendorso ni Vice matapos gawing biro si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa concert nila ni Regine Velasquez.
Sa halip na makiayon, nagpakita pa ng suporta si Romnick sa komedyante sa pamamagitan ng pag-order at pagkain sa naturang fast food chain kahit hindi naman siya nagugutom.
Isa si Romnick sa mga personalidad sa showbiz na kilala sa pagiging outspoken tungkol sa mahahalagang isyu sa lipunan at pulitika. Kamakailan lamang ay nagpahayag siya ng saloobin laban sa mga public servant at pulitikong binabaluktot umano ang batas.
***
No comments:
Post a Comment