Thursday, April 2, 2020

Arnell Ignacio sa mga bumatikos kay Duterte: Mga Summa Cum Laude kayo sa kabob*han

Sa kanyang Facebook live, hindi napigilan ng aktor at news anchor na si Arnell Ignacio na magbigay ng reaksiyon sa mga Pilipinong bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte.
President Rodrigo Duterte and Arnell Ignacio / Photo credit to Forbes and Astig PH

Ito ay patungkol sa naging pahayag ni Duterte laban sa mga ‘leftist’ na may planong manggulo sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating bansa.

Ipinaliwanag ni Ignacio na ang tinutukoy ni Duterte na hulihin o barilin ay ang mga ‘left’ o makakaliwa na nagsagawa ng rally sa Quezon City.



Ang ina-address niya, ilang beses niyang sinabi, kayong mga left, kayong mga kaliwa,” sabi ni Ignacio.

“Kasi nga nagsisimula na na manggulo yung mga Kadamay. Kung natatandaan niyo yan yung mga nangunguha ng bahay doon, yung mga bahay para sa mga sundalo,” patuloy ng dating aktor.

Aniya, kung siya ang nasa posisyon ni Duterte ay mas higit pa umano ang kanyang gagawin dahil kilala ang mga pinoy na matitigas ang mga ulo.

Ang Pilipino ba madaling pasunurin? Napakahirap pasunurin. Simpleng traffic nga hindi sumusunod eh. Sa ganitong krisis kung ano-ano na ang nangyayari. Ayaw niyo pang kilusan ng todo ng mga enforcers natin,” saad ni Ignacio.



Dagdag ni Ignacio, ang shoot to kill na pahayag ni Duterte ay para sa mga pulis o sundalo na malalagay sa delikado dahil sa panggugulo.

Sinasabihan niya yung sundalo niya at tsaka yung pulis, kapag ang buhay ninyo eh ma-threthreaten na dahil sa gagawin nitong mga nanggugulo na ito, barilin mo,” paliwang niya.

Ipinaalala rin ni Ignacio na ganun naman talaga dapat ang gawin ng mga law enforcers kapag nalagay sa delikado ang kanilang buhay.

Sa huli ay hindi magawang magtaka ni Ignacio kung bakit hindi naintindihan ng mga kritiko ni Duterte ang kanyang mga sinabi.



It’s incredible that something so basic and so elementary needs to be explained to you. O talaga lang kasing iba ang pinanggagalingan niyo. It’s either that o Summa Cum Laude kayo sa kabobohan,” sabi nito.

Panoorin ang kanyang buong video sa ibaba:





***

2 comments:

  1. O ano ngayon ganyan talaga pagsinagad ninyong mga lift ang pamahalaan. Wag na ninyong gamitin pa ang kadamay para lang palabasin na sila yong kontra sa governo, malinaw naman yan sa taong bayan na kayo yan mga lift ang may pasimuno ng kaguluhan. Peace of advise lang, please tigilan na ninyo yang panggugulo ninyo sa pamahalaan dahil hindi lang ang pangulong duterte ang pinorwisyo ninyong mga lift, kundi taong bayan ang biktima dito. Kayo if shoot to kill ang order ng pangulo, ito masasabi ko gawin na para matuldikan na ito at ituon naman natin ang atenyon sa hinaharap nating crisis. Please please lang.

    ReplyDelete
  2. iyan si arnel may tapang at may puso. makinig kayong kontra sa lahat ng gagawin ng aming Presedente. manahimik nalang kayo. pagkatapos ni tong covid 19 saka kayo umepal. right ?

    ReplyDelete