Sunday, April 5, 2020

Brgy. Captain kay Cayetano: Hindi ka na nakakatulong, nakakapagpagulo kapa

Isang Barangay Captain mula Talisay, Batangas, ang nagpahayag ng pagkadismaya kay Congressman Alan Peter Cayetano patungkol sa mga impormasyon sa Social Amelioration Card (SAC) forms na ipamimigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Abdul Aziz Natanuan and Cong. Alan Peter Cayetano / Photo from Facebook and Rappler

Sa Facebook live ni Abdul Aziz Natanuan, sinabi nito na hindi naman pala totoo ang sinabi ni Cayetano na lahat ng pamilya ay bibigyan ng SAC forms. 

Yung sinabi mong lahat ng pamilya ay bibigyan ng form, hindi naman totoo. Yung sinasabi mo ang laging sinasabi ng mga tao,” sabi ni Natanuan.



Hindi ka naman yata nakakatulong sa mamamayan natin ay huwag kana magpadagdag ng problema at huwag kana magpagulo,” dagdag nito.

Dito sa barangay ko, 2500 families dito, ang ibinigay lamang sa aming form ay 821. Salain daw namin ang mahirap pa sa mahirap,” saad nito.

Sabi ni Natanuan, sasalain pa raw ulit ng DSWD ang mga dapat bigyan ng tulong.

Nakiusap si Natanuan na tulungan siya ni Cayetano na magpaliwanag sa kanyang mga nasasakupan.

Ang laging pinanghahawakan nila ay yung sinabi mo. Kaya ang pakiusap ko sayo, Alan Cayetano bago ka magsalita antayin mo muna yung memo na nadating. Hindi kana nakakatulong, nakakapagpagulo kapa,” sabi ni Natanuan.

Aniya, kung gusto raw ni Cayetano ay mag-usap sila ni Natanuan at patunayan niya ang kanyang mga sinabi.

Dagdag ni Natanuan, silang mga barangay captain ay palagi na lamang nababatikos ngunit maliit naman raw ang kanilang sinasahod.

Pakisagot naman ng aking tanong, yung sinasabi mo sa live mo na lahat ng pamilya ay bibigyan ng form. Bigyan mo nga ako ng form at para mabigyan ko lahat ng pamilya dito.

Matatandaan na sa kanyang Facebook live ay sinabi ni Cayetano na bawat household ay bibigyan ng form. Hindi raw bahay ang batayan kung hindi ay bawat pamilya. 

Kaya kung mayroong tatlong pamilya sa isang bahay ay dapat bigyan sila ng tatlong forms.

Narito ang buong video ni Natanuan:



***

No comments:

Post a Comment