Sen. Ramon Bong Revilla Jr and Manila Mayor Isko Moreno / Photo credit to Rappler and CNN Philippines
Naglabas ng sama ng loob si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa naging pakiusap ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga senador na tumulong umano sa mga kapwa Pilipino.
Tila hindi nagustuhan ng ilang senador ang naging pahayag ni Moreno dahil ang dating umano sa kanila ay wala silang ginawang pagtulong.
Ayon kay Revilla, masakit umano ang mga sinabi ni Moreno lalo na’t parang kapatid na ang turing niya dito.
"Sana naman huwag ganun. Masakit."
"Alam mo rin naman na lahat kami nagtatrabaho, hindi kami nagpapabaya. May mga nasasakupan rin kami," ani Revilla.
"Sana naman huwag ganun. Masakit."
"Alam mo rin naman na lahat kami nagtatrabaho, hindi kami nagpapabaya. May mga nasasakupan rin kami," ani Revilla.
Aniya, iba raw umano ang ginagawa nilang mga senador at iba rin ang ginagawa ng lokal na pamahalaan.
Dagdag ni Revilla, limitado raw umano ang kanyang kakayahan sa pagtulong dahil malawak ang nasasakupan niya sa Cavite. Dalawang beses narin daw siyang naka-quarantine.
"Huwag naman, huwag ganun. Tulungan tayo. Hindi ito ang panahon ng pagbatikos," ani Revilla kay Yorme.
"Huwag mo kaming personalin," dagdag nito.
Nakakasama raw umano ng loob ang mga naging pahayag ni Moreno.
"Nakakasama ng loob eh. Nag-uusap nga kaming mga senador doon sa aming viber group, nasaktan kami lahat dahil unfair yun para sa amin," sabi ni Revilla.

Narito ang buong video ng senador:
***
Source: Ramon Bong Revilla, Jr. | Facebook
No comments:
Post a Comment