Agad nagbigay ng reaksiyon si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa pakiusap ni Manila Mayor Isko Moreno na mga senador na tulungan ang mga kapwa Pilipino sa kinakaharap na krisis ng ating bansa.
Ayon kay Lacson, hindi umano tama ang paratang ni Moreno na wala silang ginagawa. Aniya, ang trabaho umano nila ay ang paglikha ng mga batas na mapapakinabangan ng buong bansa.
Dagdag nito, ang naipapamahaging tulong pinansyal ngayon sa ating bansa ay bunga umano ng kanilang ginawa.
Nagpuyat at napagod umano silang mga senador upang maipasa ang Bayanihan to Heal As One Act na kailangan ng ating gobyerno para masulosyunan ang problema sa Covid-19.
“Yorme, kaya po namamahagi ngayon ang gobyerno ng tulong pinansyal kasama na ang lungsod ng Maynila ay dahil nagpagod at nagpuyat ang mga senador kahit may banta ng COVID-19 para ipasa ang Bayanihan Act. Iyan kasi ang mandato namin. Mali ang paratang ninyo na wala kaming ginagawa,” wika ni Lacson.
Kahapon sa kanyang Facebook live, nanawagan si Mayor Moreno sa mga senador na tigilan na ang pamumulitika at mag-focus na lamang sa pagtulong sa kapwa Pilipino.
“Ako’y nananawagan sa mga liderato sa national government, oposisyon at administrasyon lalo na sa mga di nagkaka-unawaan. Pwede ba? Ninety days lang pahinga muna tayo ng pulitika?” saad ni Moreno.
“Mga senador, 24 lang kayo, mga sekretaryo, mga pulitikong katulad ko, ngayon natin ipakita, ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa Pilipino. Kaming mga tiga-Maynila, Pilipino rin. Ngayon niyo ipakita, maraming nagdadarahop,” dagdag nito.
Yorme, kaya po namamahagi ngayon ang gobyerno ng tulong pinansyal kasama na ang lungsod ng Maynila ay dahil nagpagod at nagpuyat ang mga senador kahit may banta ng COVID-19 para ipasa ang Bayanihan Act. Iyan kasi ang mandato namin. Mali ang paratang ninyo na wala kaming ginagawa.— PING LACSON (@iampinglacson) April 4, 2020
***
Source: Ping Lacson | Twiiter
Mr. Lacson, salamat sa pagpasa nyo ng bill subalit iyon ay parte ng job discription nyo. Yung mga frontliners nga more than 18 hours nag ta trabaho at nasa harap sila ng panganib, hindi nagsasabi na wala silang tulog o pagid sila, ginawa nila ang trabaho nila. Pero sila hindi nakakasama pamilya, yung iba tuluyang hindi n makakasama pamilya dahil namatay sila while doing their job, their responsilities. Di hamak na mas malaki ang pay nyo sa kanila. Mga regular na tao sa maliit na paraan tumutulong, bakit hindi kayo? Hindi ba kayo Pilipino? Hindi ba kayo mga lider ng Pilipinas? Lalakas ang morale ng tao kahit gutom kung nakikita nila yung mga binoto nila. Huwag nyong iabandona mga tao lalo n mga taong inaasahan kayo dahil binoto kayo. Walandyo, isang araw o dalawang araw lang ba kaya nyong ibigay sa mga kababayan nyo? May God forgive you!
ReplyDelete