Saturday, April 4, 2020

Sotto sinagot ang pakiusap ni Yorme Moreno: "Tigilan muna ang pagiging EPAL at pagiging KSP"

Matapos ang emosyonal na panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga Senador na tulungan ang mga kapwa Pilipino sa kinakaharap na krisis sa ating bansa, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ginagawa naman nila ang kanilang mga trabaho.
Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Manila Mayor Isko Moreno / Photo credit CNN Philippines and ABS-CBN News

Mga kababayan, bilang Pangulo ng Senado, nais ko po, una sa lahat, pasalamatan ang lahat ng ating mamamayan lalo na ang mga tagapangalaga ng kalusugan na tumutulong ng taos puso at walang pagyayabang. Ang pagtulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit o papuri ang tunay na dakila,” sabi ni Sotto sa isang statement.

Para naman dun sa ilang kababayan natin na nagyayabang at mahilig maghamon sa mga Senador at pulitiko na lumabas at tumulong sa kapwa, sana mahimasmasan kayo at magkaroon ng tamang katinuan,” dagdag nito.



Ayon kay Sotto, silang mga senador ay tahimik na tumutulong sa abot ng kanilang makakaya.

Wala kaming mga media na nakabuntot sa amin 24 oras para makaEPAL lang sa panahon ng COVID-19,” sabi ni Sotto.

Batid namin na hindi ito ang panahon ng pasikatan o pagalingan. Lahat tayo dapat panalo sa laban na ito. Walang Pilipinong maiiwan,” dagdag nito.

Kamakailan, nanawagan si Moreno sa mga senador na tigilan na ang pamumulitika at mag-focus na lamang sa pagtulong sa kapwa Pilipino.

Ako’y nananawagan sa mga liderato sa national government, oposisyon at administrasyon lalo na sa mga di nagkaka-unawaan. Pwede ba? Ninety days lang pahinga muna tayo ng pulitika?” saad ni Moreno.



Mga senador, 24 lang kayo, mga sekretaryo, mga pulitikong katulad ko, ngayon natin ipakita, ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa Pilipino. Kaming mga tiga-Maynila, Pilipino rin. Ngayon niyo ipakita, maraming nagdadarahop,” dagdag nito.

Tigilan nating ang pagpapacover ng ating mga ginagawa, ito naman ay sinumpaang tungkulin. Tigilan muna ang pagiging EPAL at pagiging KSP [kulang sa pansin],” Sotto said.

Sa kanyang Twitter, sinabi ni Sotto na ang trabaho nilang mga senador ay “promptly pass the enabling law so the [executive department] can use [government] funds to respond during this health crisis.”



We did so in 18 hrs. It’s not our mandate to repack rice and sardines with a complete PR [public relations] team around us. Some of us do, WITHOUT the PR team!” sabi nito.

Sabi pa nito sa isang interview, hindi raw umano basta nakaupo lang ang mga senador sa kani-kanilang tahanan.

We have always been around, but we are unlike some who constantly seek public applause for their every action even that which are actually just perfunctory.”

“There is no need to come up with those dramatic, teary-eyed, voice-breaking appeals uploaded on social media platforms. That is not only cheap, but it reeks so much of traditional politics,” dagdag nito.


***
Source: Inquirer

21 comments:

  1. Hindi nagyayabang yung mga taong nagpapakita ng tulong. Dapat lang makita ng tao na hindi nasayang ang pagboto sa kanila kasi may naitutulong sila sa panahon na ganito ang crisis ng bayan.eh kayo asan nga naman kayo nagtratrabaho ano trinatrabaho nyo?ipakita nyo ng matuwa naman sa inyo taong bayan tumulong kayo hindi kailangang patago kasi opisyal kayo ng gobyerno dapat laahat ng galaw nyo nakikita ng tao.para naman masabing may nagagawa ba kayo oh pabigat lang kayo sa gobyerno.

    ReplyDelete
  2. Na hurt ang ang ego natamaan din.nuong issue sa abscbn ang ingay nila ngayon asan?

    ReplyDelete
  3. ...to retaliate with such comment is so childish...actually as senate president you should be the one initiating, and encouraging your team. With due respect sir, as elected leaders of the country we are looking up on you and your ways and means to do your oath of duty, and even beyond.

    ReplyDelete
  4. Palusot Yan NG mga taong nagkuku bli dhil takot mahawa gusto lng maisalba Ang kani kanilang pamilya SA sakit Kaya nagtatago at naglabas kuno ng statement..kau Ang epal at ksp mga public servant kau Kaya gusto NG mga Tao tingnan Kung ano nman mga pinaggagagawa ninyo...bkit kming mga NASA probincya bakit nakikita ba nmin Ang mga ginagawa ninyo Kung Hindi dadaan SA social platform o television?? Oo mga trabaho ninyo SA opisina Hindi taga repak ng sardinas Ang cnasabi magbigay kau galing SA sarili ninyong bulsa para nman khit paano my maitulong kau SA mga bumoto SA inyo... Wag ninyong e ASA lhat SA pondo ng gobyerno binoto kau don't long palitan niyo ng galing mismo SA inyo give and take ika nga lalo na ngaung panahon ng krisis dhil Wala kau SA pwesto ninyo Kung Hindi kau binoto ng taumbayan intsindi???

    ReplyDelete
  5. Ayaw mo lang maglabas ng pera na galing sa sariling bulsa,isa ka rin kzing trapo.

    ReplyDelete
  6. Tinamaan kasi kaya nag iingay sila

    ReplyDelete
  7. Totoo naman sinasabi ni Isko..awala kayo ginagawa....kayo mga epal at ksp..mukha mo hindi magpa media kung turulong..alam naman namin na may hangarin kang maging presidente..sabihin ko lang sayo..kung ikaw magigingg presidente..nako kawawa naman ang mga pilipino..kawawa naman ang bansang.pilipinas.

    ReplyDelete
  8. Kahit d senador si titosen tumutulong na talaga cia, katulad din ni yorme pag may humihingi NG tulong tumutulong din agad, Wala akong dapat kampihan Kasi pareho silang magaling na public servant, Kaya lng sa magkaibang paraan lng.

    ReplyDelete
  9. Naku Sen. Sotto daig ka ng pamangkin mo. Nakikita lumalabas at aktibo sa pagtulong. Yan lang ba alam mo magpass ng batas? Hindi mo kayang magrepack ng rice at sardines? Wala ka man lang ba extra mile sa mga ganitong sitwasyon ng bansa? Kung ano yung mandate sayo yun lang gagawin mo? Kung ganon wala kang malasakit sa mga Filipino. Hindi pagmamayabang yung mga nakikita mo sa social na mga taong aktibong tumutulong kasi ramdam mo yung kagustuhan tumulong. Nayabangan ka kasi nasapawan ka at sila may mga natutulong pero ikaw wala kasi nagkukulong ka lang sa bahay mo. Yung ginagawa nila eh kayo dapat gumagawa. Noong nangampanya kayo halos buong Pinas nilibot niyo para iboto kayo. Pero ngayon higit kayo kelangan ng mga tao hindi nyo man lang mabawasan yaman niyo. Nakakahiya kayo. Dapat sayo Sen. Sotto palit na lang kayo ni Vico Sotto kasi mas may silbo pa siya kesa sayo. Sa next election gaganti kami mga kawawa Pinoy sa inyong lahat. Alam na namin sino ang may mga puso at nagmamalasakit sa mga Filipino. Kaya sa kangkungan ka na pupulutin..

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo po yan ganda ng sinabi nyo bout sa sunod na election alam na natin kung sino dapat iboto

      Delete
    2. Oo Wala na ako gana iboto Ang mga trapo isang libo isang tuwa buong bansa it gising na...

      Delete
    3. I think what Sen. Tito Sotto means here. His doing his job but in the office in other way. I think hindi nalang dapat nagsalita ng mga epal words or yabang words, Mayor Isko Moreno doing his best for his country, so he needs you all Senators, since kayo ang mga in the higher position na mas maraming magagawa sana kisa sa kanya that is Mayor Isko Moreno point, sana tulungan nalang if you have a good heart you will not be hurt but understand the situation. Hindi nyo marahil Sen. Sotto alam ang kanyang pinagdadaanan sa mga hirap na nararanasan niya sa pagtulong sa ating bayan, napuntahan nyo naba personally ang mga talagang poorest of the poor place ng Pilipinas, napapakinggan nyo ba mismo ang mga daing nila Sen. Tito Sotto, marahil hindi kasi nasa office po kayo at nagsasagawa ng batas ayun po sa sinabi nyo na may ginagawa din naman po kayo. Tulungan po, wala naman pong nagyayabang sino pobang nagyayabang public officials po kasi kayo nina Mayor Isko kaya you can't avoid na mamedia po. It is not Iskoo MOreno's fault na mamedia, it's automotic because Public officials po kayo. WALA PONG NAGYAYABANG DITO.

      Delete
    4. Walang kwentang katwiran na yan lumulusot pa,hnd mo kami maluluko anung akala mo Wala kaming sariling pag iisip.

      Delete
  10. Importante ngaun maepal n pulitiko!yung nkikita at nararamdaman ng taong bayan ang pagtulong sa kapwa,nkk hiya nman senyo wala manlang kaming mramdaman..ang mga congressmen nagppramdam na!ganun sana! Yung kay mayor isko dina kailangan nyan magppnsin dahil laman yan ng blita sa tv at lalong matunog yan sa social media,nkk hiya nmn mga senador n nagkukubli lng sa kbilang mga mansions at mga takot n takot sa virus!..mbibilang lng namin sa daliri cnu mga pulitikong nkikita namin pagmmlasakit sa crisis!ganun manlng sana kyo! Mga NGO nga nkikita rin nmin sa social media nkiki isa sa pagtulong,at meron pang tulad ni Sir Francis Leo Marcos na sariling pera kya itulong at nahihikayat pa ang mga maraming nkkluluwag n civilians n mki isa sa pagtulong...GANUN SANA...NKAKAHIYA NAMAN PO SENYO!..

    ReplyDelete
  11. Hoy Sotto ungas ka kahit kailan totoo naman tulog kabute kayo di man lang kayo maaninag sa pag silbi sa mga mamayan Pilipino. Binoto kayo at niluklok kayo ng taong Bayan dyan sa pwesto nyo tapos sasabihin mo umi epal si Yorme na may ginagawa sa taong Bayan ng Maynila, Masakit talaga ang katutuhanan tagos sa kaibuturan dahil wala kang ginawa puro dada, bwesit!

    ReplyDelete
  12. Yorme namin ay NEVER epal or ksp. Siya ang mas pagod at kulang nga yan ng tulog, eh . Mas gusto namin ang ginagawa niya at kitang- kita ng lahat, ha? Yan ang tunay na lider. Naaabot ng nasasakupan. Hindi tulad ng mga ilang mayayabang at ipokritang mga tao sa senado at kongreso. Haaayyy, naku po!!!

    ReplyDelete
  13. Mayor Isko Moreno is very transparent and sincere to his job as mayor of Manila.He's a leader with integrity compared to you
    you Sotto?you just have a big mouth in your very big head.magaling ka lang sa patutsada Wala ka pa naman na accomplished sa senado.sabihin mo nga Kung ano nagawa mo lalo ngayon?

    ReplyDelete
  14. Opinyon ko lang po eto...natatamaan s sinabi ni Mayor isko..bakit po ganun reaksyon nyo sir sotto..
    Ang hamon po ni mayor isko kahit isa ng buwan sahod nyo lang pwede po ba ibigay muna sa mga mamamayan.. Bakit po ganun reaksyon mo,..Hindi po ba kayang ibigay yun..
    Bakit po ang lahat ng congressman wala pong reaksyon sa sinabi ni mayor isko at sila pa agad ang boluntaryong nag donate sa kanilang 1month salary...

    ReplyDelete
  15. MR Soto, yung ginawa nyo inside your Senate Hall ay TRABAHO nyo na binayaran ng tao. Yung pagtawag sa inyo ay trabaho o responsibilidad nyo outside of your comfort Zone. Responsibilidad nyo sa bayan! Kahit hindi mandated sa inyo bilang Plilipino at mga Lider ng bansa tumulong kayo. Mas Matibay at matatag ang walis kung sama-sama. Come out of your shell and join the crusade combating the virus. Huwag maging onion skin.

    ReplyDelete
  16. Mr. Soto para po saken ang mga camera sa harap ni yorme ay mahpapakita lang po ng transparency. Madali magsabe ng tahimik kayo tumotolong.. lumang istilo na po yan.

    ReplyDelete