Monday, May 11, 2020

Jobert Sucaldito sa ABS-CBN: "This is not an issue ng press freedom, kayo lang naman ang may problema"

Binanatan ng news anchor at columnist na si Jobert Sucaldito ang ABS-CBN patungkol sa nangyaring pagsasara ng Kapamilya network.
Jobert Sucaldito / Photo credit: Rappler

Sa isang panayam ni Sucaldito sa dzAR, sinabi nito na hindi rin naman siya pabor sa shutdown ng network, ngunit huwag umanong sabihin ng ABS-CBN na wala silang bahid ng kasalanan kaya sila ipinasara.

Ako I’m no for shutdown. Ayoko, kasi maraming masasaktan, marami akong kaibigan sa loob na mabait. Maraming inosenteng madadamay. Pero bakit pinabayaan ninyo? ‘Yung pinapalabas niyong walang kasalanan ang ABS-CBN, imposible ‘yun. It’s very stupid. Kung wala kang kasalanan, gagalawin ka?” saad ni Jobert.

Hindi ako maka Duterte…pero bakit hindi niyo nilabas ‘yung ad ni Duterte. Tinanggap niyo ‘yung pera. Hindi kasalanan ‘yon? Sabihin niyo nang pinersonal kayo, pinulitika kayo. Bakit? Hindi kayo namulitika sa loob? Wag tayong magmalinis,” aniya pa.

Dagdag ni Sucaldito, huwag na raw gamitin ng ABS ang 11,000 employees na nawalan ng trabaho dahil mismong ang mga boss ang may problema. Aniya, hindi raw ito isyu ng press freedom dahil marami namang ibang network.

Dinadaan niyo pa kinikitil ang karapatan sa pamamahayag. Uy, tigilan niyo yang ganyang statement. May GMA, may Sonshine Radio, may TV5, may dzRH. Hindi kinitil ang karapatang mamahayag. This is not an issue ng press freedom, kayo lang naman ang may problema,” aniya pa.


***
Source: Abante

No comments:

Post a Comment