Saturday, May 9, 2020

Open letter ng isang netizen kay Coco Martin: Hindi lahat nadadaan sa paninindak at dahas

Matapos maglabas ng galit at pagkagigil ang aktor na si Coco Martin dahil sa pagsasara ng Kapamilya Network na ABS-CBN, marami ang nagulat sa kanyang ipinakitang ugali.
Zhel Gutierrez and Coco Martin / Photo credit to Zhel's Facebook account and PEP

Nauna ng naglabas ng maaanghang na salita sa kanyang Instagram account si Coco at kahapon naman ay gigil na gigil itong naghamon ng away sa isang live interview ng ABS-CBN sa kanilang mga artista.

Samantala, isang fan ni Coco ang gumawa ng isang open letter para sa kanyang idolo dahil tila nagbago umano ang aktor.



Sa Facebook post ni Zhel Gutierrez, sinabi nitong naiintindihan niya ang galit, inis, pagkapikon at pagkapuno ni Coco dahil tao lang ito. Ngunit sana raw ay maisip ng aktor na hindi lang sila ang naghihirap sa buong mundo.

Ipinaalala ni Zhel kay Coco na ang kanyang mga fans ang dahilan kung bakit narating nito ang lugar kung nasaan siya ngayon.

“iyang pag hahamon mo sa amin ay sobrang mali! Wala ka sa pedestal kung di ka namin pinanood at sinuportahan,” sabi ni Zhel.

Narito ang kanyang buong post:

“An open letter to Baby Coco Martin,

Noon hinahangaan kita, tuwang tuwa ako tuwing napapanood ka. Pero bakit sa isang iglap nagbago ang lahat?

Baby Coco, naiintindihan namin na tao kalang, nagagalit, naiinis, napipikon at napupuno. Pero, sana maisip mo din na hindi lang kayo ng management ng ABS-CBN, mga artista at yung 11,000 na manggagawa na sinasabi nyo ang nawalan ng trabaho o nawala ng hanap buhay, hindi lang sila ang naghihirap madami sa iba't ibang sulok ng mundo ang naghihirap at nagugutuman. Baby coco, sa buong mundo bilyon bilyon ang tao, ang iba mayaman, ang iba nasa gitna at ng iba naghihirap. Yung mayayaman nagsipag para magkaroon sila ng maayos na pamumuhay, yung nasa gitna ay nag sisikap para naman balang araw ay yumaman at yung mahihirap karamihan ay nagpupursige para kahit paano ay umangat at maka alwal sa buhay, kaya baby Coco abot ka nmin, abot namin yang hinaing mo. Baby coco, buong mundo may dinadanas ngayon, buong mundo ay nahihirapan 3 days palang nawala ang ABS-CBN. At ang pagkawala sa ere ng abs-cbn ay hindi kasalanan ng mga tao o ng kapwa mo Pilipino na supportes mo, tandaan mo na kung di dahil sa mga Pilipino hindi ka makakarating kung nasaan ka man ngayon kahit pa sabihin mo na may management ka, kaya baby coco iyang pag hahamon mo sa amin ay sobrang mali! Wala ka sa pedestal kung di ka namin pinanood at sinuportahan. Baby Coco, stop na kase madaming nasasaktan na nakikita kang nagkakaganyan, hindi yan ang ine expect namin sayo. Akala ko ba ang abs-cbn ay in the service of the Filipino worldwide? Pero bakit parang ang dating eh hinahamon mo pa ang mga Pilipino, bakit parang kasalanan namin? Bakit parang dapat damay kami? Nakikita mo ba ang batuhan ng salita ng mga kapwa mo Pilipino sa mga comment section ng mga post nyong mga artista? Nagkakagulo sila at nag aaway away, nagmumurahan at naghihiyaan. Baby Coco nilalalamon na ng galit ang puso mo, wag mong hayaan umabot sa punto na wala nang matirang pagmamahal sa loob mo. Baby Coco, mahal ka ng mga umiidolo sayo kaya sana kung nagbigay sila ng opinion nila wag mo silang pagbuntunan ng galit. Madaming problema ang mundo, pero baby Coco may awa ang Diyos, kumalma ka at magdasal ng mataimtim.

Baby Coco, hindi lahat nadadaan sa paninindak, hindi lahat nadadaan sa dahas at hindi lahat madadaan sa paspas. May tamang proseso ang lahat, may batas ang Pilipinas, may batas ang Diyos, nakikita nya ang lahat pasasaan pa at sa huli ang katotohanan ang mananaig. May awa ang Diyos, this too shall pass... Sending love and prayers to all of you na bumubuo ng ABS-CBN.” ❤️💕🙏🏻


1 comment:

  1. HINDI NAMAN NAKAKA-SINDAK MAGALIT SI COCO MARTIN KASI....TAWA AKO NG TAWA. NAKAKATAWA TALAGA SYA HABANG PINIPILIT ANG SARILING MAGING MATAPANG SA KANYANG MGA SALITA AT GALIT. COCO; TURUAN PA KITA KUNG PAANO TALAGANG MAGALIT NG HUSTO. PARA KA KASING NAG DRAMA-TELE SERYE

    ReplyDelete