Saturday, May 9, 2020

Rebelasyon ni Jobert Sucaldito patungkol sa ABS-CBN, viral sa social media

Naging mainit na isyu ang pagsasara ng Kapamilya Network na ABS-CBN matapos mag-expired ang prangkisa nito. Sari-saring opinyon at balikatan ang mababasa sa social media mula sa mga supporters at non-supporters ng ABS-CBN.
Jobert Sucaldito / Composite photos from PEP and ABS-CBN

Samantala, isang news anchor at columnist na si Jobert Sucaldito ang naglabas ng isang malaking rebelasyon patungkol sa ABS-CBN.

Sa kanyang Facebook post, hindi sang-ayon si Sucaldito sa pagsasara ng ABS-CBN dahil marami siyang kaibigan sa loob ng Kapamilya network. Ngunit hindi raw tama na gamitin ng ABS-CBN ang “11,000 employees as human shields dahil hindi” raw ito totoo.



Aniya, may mga ilan na nagbubulag-bulagan lamang sa mga nangyayari. Dagdag ni Sucaldito, maraming cameraman at anchors ang ilegal na pinagtatanggal ng ABS-CBN.

Ikinuwento rin ni Sucaldito ang nangyayaring palakasan sa nasabing network. Binanggit nito ang mga pangalan nina “Cory Vidanes, Johnny Manahan, Deo Endrinal, Lauren Dyogi” na huwag kakalabanin dahil tiyak na mawawalan ka ng career.

Kailangang himurin mo mga puwet nila or sumunod ka sa mga gusto nila dahil kung hindi, patay ka. Huwag niyo ring kalabanin ang mga alaga nila at wasak ang career mo. Kahit sa tama ka pa, pag nagsanib-puwersa ang mga iyan, tigok ang career mo sa loob.” sabi ni Sucaldito.

Maging siya umano ay naging biktima ng ilegal na pagtanggal ng ABS-CBN noong nagkomento ito patungkol kay Nadine Lustre.

Ipinaubaya na lamang daw ni Sucaldito sa DOLE ang ginawang ito ng ABS-CBN sa kanya.

pilit akong pinapipirma ng indefinite suspension ng aking contract. And may go-signal ito sa ilan naming bosses. Gago ba ako para pirmahan iyon? Pinapunta ako para tanggalin ang sarili ko. Ginago ako, di ba? Hindi ako ulol, 'oy! Kaya wala akong choice kungdi ang ireklamo sila sa DOLE dahil kahit contractual ako, 17 years akong nagsilbe sa DZMM and almost 20 years sa ABS-CBN. Ilalaban ko lang ang karapatan ko and nothing more.”



Sa huli ay sinabi ni Sucaldito na tigilan na ng ABS-CBN ang paggamit sa 11,000 employees na nadamay umano sa pagsasara nila at sinasabing pinulitika sila dahil mas malala umano ang ginagawa nilang pamumulitika sa kanilang istasyon.

Narito ang kanyang buong post:

Nakakapagod na ring magbasa ng balitaktakan ng mga ABS-CBN supporters and non-supporters. Pero let's go straight to the truth. Kahit galit ako sa ilang tao sa ABS-CBN, in my heart I am for the #notoshutdown dahil marami pa ring mga good people inside na di naman kasali s amga isyu namin. But wait, pakiusap lang, stop using the 11,000 employees as human shields dahil hindi totoo iyan. Yung mga iba nabubulagan lang. Nadadala sa matatamis na dila ng ilang bosses diyan. Kung naalala niyo pa, maraming cameramen ang na-dismiss illegally diyan - maraming anchors ang pinagtatanggal nila dahil hindi nila kaalyado and kasali na ako diyan. Sabihin niyo nang I have an axe to grind against DZMM and ABS-CBN pero you have to realize also some truths behind all their dramas and all. Nasa news iyan before - nung pinatawag ng mga bosses ang maraming cameramen sa isang five-star hotel and were served the best lunch in the world and after nilang kumain tsaka ibinigay ang walking papers nila. Masakit iyon sobra!!!! Sobrang sakit para sa mga cameramen na dekadang nagserbisyo sa kanila 'tapos bigla na lang nilang tatanggalin nang ganoon-ganoon. Parang nasilya-elektrika ang mga iyon - bago patayin ay pinakain muna ng masarap. Pinakain niyo pa ng masarap na pagkain 'tapos bigla niyong sinabihang tanggal na sila. SAAN ANG SINASABI NINYONG PUSO NG KAPAMILYA? SAAN? Ganoon ba ang Kapamilya? Walang puso? Dahil contractual lang sila kaya anytime ay puwede niyo silang sipain palabas? Anong kasalanan nila? Kung napansin ninyo, sino ba ang yumaman sa ABS-CBN - silang magkakuntsaba lang naman sa loob ah. Sa rank and file, may gumanda ba ang buhay? Sa mga artists? Ilang libo ba ang mga artista at singers na walang trabaho? Kung mapansin ninyo, sila-sila ring mga alaga ng mga tagaloob ang napapanood sa mga teleserye - judge sa mga pakontes - regular sa ASAP - ano pa? Kung freelancer ka, mapalad kung makapag-guest ka once in a while. Natural na ipagtanggol sila ng mga piling-artistang ito dahil nakikinabang pa sa kanila. Ilan lang iyon. Pag napag-initan ang isang artista sa loob, nunca nang makakalabas sa mga shows nila iyan. Subukan mong kalabanin si Cory Vidanes, Johnny Manahan, Deo Endrinal, Lauren Dyogi, etc., tingnan natin kung makakabalik ka pa diyan. Kailangang himurin mo mga puwet nila or sumunod ka sa mga gusto nila dahil kung hindi, patay ka. Huwag niyo ring kalabanin ang mga alaga nila at wasak ang career mo. Kahit sa tama ka pa, pag nagsanib-puwersa ang mga iyan, tigok ang career mo sa loob. Subukan ninyong pumalag ngayon at baka ilabas ko ang mga baho ninyo. Don't provoke me! Yung ginawa nila sa mga cameramen and other previous illegally-dismissed employees ay nagawa rin nila sa akin. Yes, January 7, 2020 pa lang ay di na ako pinapasok sa program ko sa DZMM because of the Nadine Lustre issue na iyon. Ang masaklap, pinag-apologize nila ako the day after my commentary then di na ako pinag-show. January 10, 2020 ay pinatawag ako ng meeting with my very competent kunong station manager na si Marah Capuyan at pilit akong pinapipirma ng indefinite suspension ng aking contract. And may go-signal ito sa ilan naming bosses. Gago ba ako para pirmahan iyon? Pinapunta ako para tanggalin ang sarili ko. Ginago ako, di ba? Hindi ako ulol, 'oy! Kaya wala akong choice kungdi ang ireklamo sila sa DOLE dahil kahit contractual ako, 17 years akong nagsilbe sa DZMM and almost 20 years sa ABS-CBN. Ilalaban ko lang ang karapatan ko and nothing more.



Ngayon sasabihin ninyong pinulitika lang kayo ng pamahalaan kaya pinasara kayo at dumadrama pa kayong papaano na lang ang mga pamilya ng more than 11,000 employees na damay sa pagsara nito. Hoy, magtigil kayo! Kayo nga itong mga walang pusong pinagtatanggal ang mga cameramen na iyon - pinakain pa ng masarap bago tsinugi. Kahudasan, di ba? Sa totoo lang, mas grabe ang pulitika sa loob ng istasyon. Iyan ang totoo riyan. Huwag tayong maglokohan. Anong pagkitil sa malayang pamamahayag? Kami nga'y halos scripted na lang ang puwedeng sabihin dahil bawal ang ganito...bawal ang ganyan. Alin ang malaya roon? Mabuti na lang at showbiz ang beat namin kaya we can sometimes play with words. Kaya stop the drama. Ilaban na lang ninyo legally ang pagbabalik ng ABS-CBN - stop using the people as human shields. Kaya tigilan na yang mga kiyemeng pagkalap ng 6 million signatures, etc. Let's not tolerate kahayupan on earth. Tingnan niyo nga at naka-karma na tayong lahat dahil gamit na gamit na ang Panginoon sa mga kagagahan nating lahat. Tamaan na ng COVID 19 ang nagsisinungaling dito para matapos na ang isyu."


***

2 comments:

  1. Totoo din po b sir jobert Na ung sinasabi ni Jay sonza Na gnagamit ng ilang boses ng ABS CBN Ang ilang talents nila.ginagawan ng kahalayan

    ReplyDelete
  2. May Interview din dyan.na galing kay Jay Sonza mga talent na contractual pinababa galing ng penthouse..

    ReplyDelete