Wednesday, May 6, 2020

Kapitan, 3 kagawad at 3 tanod arestado matapos mag-inuman sa harap ng barangay hall

Isang barangay captain, tatlong kagawad at tatlong tanod ang arestado matapos mahuling nag-iinuman sa harap mismo ng barangay hall sa Dulag, Lingayen Pangasinan.
Imahe mula Abante

Ayon kay Lingayen Police Station chief-of-police P/Maj. Edgar Serguiña, ang mismong kapitan na si Bejie Mararac umano ang pasimuno ng inuman.

Kinilala ang mga kagawad na sina Jarwin Camilang; Arthur Rosario at Eigie Mararac. Ang mga barangay tanod naman ay sina Jaime Ferrer, Rubin Mangiralas at isang nagngangalang “Harold”.



Ayon kay Serguiña, isang concerned citizen ang tumawag upang i-report ang pangyayari dahil natatakot na umano ang mga residente sa kanilang lugar na makipagtransaksyon sa barangay officials.

Dagdag pa ni Serguiña, nagpaputok pa raw ng baril ang kapitan habang sila ay nag-iinuman.

Nagkaroon din po ng kunting komosyon, dahil ayaw nilang mag pahuli dahil naka duty daw sila as barangay officials,” ani Serguiña.

Samantala, ayon kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, hindi niya palalampasin ang ginawa ng mga suspek.

Tayo dapat ang nangunguna sa pagpapatupag ng batas huwag po sana tayong sumuway upang ang ating taumbayan at respetuhin at sumunod sa ating patakaran,” ani Bataoil.

Haharap sa patong-patong na kaso ang mga suspek habang nakakulong ang mga ito sa LPS.


***
Source: Abante

No comments:

Post a Comment