Wednesday, May 6, 2020

Roger Yap inaming siya ang tinutukoy ni Mayor Vico Sotto ngunit itinanggi ang pagmumura

Inamin ng ex-PBA player Roger Yap, dating teammate ni Marc Pingris sa Purefoods na siya ang tinutukoy ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nambastos at nagmura umano sa mga empleyado ng City Hall habang namimigay ng relief goods.
Roger Yap and Pasig Mayor Vico Sotto / Composite photos from Spin and ABS-CBN

Ngunit itinanggi nitong nagwala at nagmura siya. 

Ako ‘yun. Pero hindi ako nagwala. Kasi bakit ako magwawala eh tumutulong na nga ‘yung LGU namin sa mga tao,” sabi ni Yap sa panayam ng Spin.ph.

I was merely misinterpreted.”



Ayon kay Yap, hindi raw niya sinigawan o minura ang mga empleyado kundi sinabihan niya lang daw sila na huwag ng papilahin ang mga tao sa pagkuha na kanilang ayuda. Ibigay nalang daw sa kani-kanilang bahay.

Ang totoo niyan, sinabihan ko ‘yung mga tao ng barangay na huwag na nilang papilahin pa ang tao para kunin ‘yung grocery na worth P300, ibigay na nila sa bahay-bahay ‘yung grocery.

Yan din naman ang utos ni Pangulong Digong. Ibigay na ng diretso para hindi na pipila, maiiwasan yung hawaan," dagdag ni Yap.

“Yun lang ang sinabi ko. Siguro dahil sa Bisaya ako, akala nila galit ako. Kaya na-misinterpret ako. Pero hindi ko aawayin ang tao ng barangay lalo na si Mayor Vico, bayaw siya ng barkada ko (Marc Pingris)."



Aniya, nakipagkita na siya kay Mayor Sotto upang linawin ang mga pangyayari.

Pinuntahan ko talaga siya at kinausap, sabi ko, ‘Mayor Vico, nasisira ako. Hindi naman ako nagwala at lalong hindi ako galit sa ‘yo.” sabi ni Yap. 

"Sabi ko nga kay Mayor Vico, willing ako makaharap yung mga nagsumbong sa kanya na nagwala at nagmura ko. Para idepensa ko sarili ko," dagdag ni Yap.


***
Source: SPIN

No comments:

Post a Comment