Ibinahagi ng isang netizen ang malupit na sinapit ng kanilang pamilya lalo na ng kanyang ama sa kamay ng mga New People’s Army (NPA).
Ana Bejasa Caballero / Photo credit to her Facebook account
Ayon kay Ana Bejasa Caballero, na-paralyzed ang kanyang ama dahil sa ginawang pangtotorture ng mga NPA dahil ayaw umano nitong sumali sa kanila.
Kahit na isang commander ang iniaalok na posisyon sa ama ni Ana ay tumanggi parin ito.
Kwento ni Ana, tatlong araw umanong nawala ang kanyang ama at nung matagpuan nila ito ay naliligo ito sa sarili niyang dugo.
“My father was almost dead nong nakita namin sia. Naligo sa sariling dugo puno ng sugat ang katawan,” sabi ni Ana.
“Basag ang ulo bitas ang kaliwang taenga. Bali ang lahat ng ribs sa kanan bahagi. Basag ang panga naka tali ang ang mga kamay sa likod tali ang mga paa at nilubog sa putikan na parang hindi tao talo pa ang baboy,” dagdag niya.
Mabuti na lamang raw at nabuhay ang kanyang ama, ngunit hindi na ito makapaghanap-buhay dahil paralisado na ito.
Simula noon ay alas singko pa lamang ng hapon ay kumakain na sila ng panghapunan dahil kailangan nilang magtago kung saan hindi sila makikita ng mga NPA.
Nawala lamang ang kanilang takot noong binomba na ng mga sundalo ang kampo ng mga NPA.
Narito ang kanyang buong post:
“My father was victim of NPA during 90's. They paralyzed and tortured my papa because he don't want to be a member of thier group. They offered him as commander position of NPA but my father refused the offer.
Hinanapan nila panahon pano patayin ang papa ko but God didn't make it to happened. Almost 3 days na nawala ang papa ko at hinanap nmin nakita sa bahay nong nag offer sa kanya na gawin siang kumander. 9 years old pa lang ako non. My father was almost dead nong nakita namin sia. Naligo sa sariling dugo puno ng sugat ang katawan. Basag ang ulo bitas ang kaliwang taenga. Bali ang lahat ng ribs sa kanan bahagi. Basag ang panga naka tali ang ang mga kamay sa likod tali ang mga paa at nilubog sa putikan na parang hindi tao talo pa ang baboy. Hindi po makatao ang mga NPA. Taliwas sa pinanglandakan nilang para sila sa mahihirap! Binaboy nila ang papa ko. Pero mabait ang panginoon hindi nia kinuha sa amin ang papa ko pero yon lang di sia makahanap buhay dahil paralisado na sia
After 4 years tuluyan nang namaalam ang papa namin sa amin. Nakatatak na sa isip ko yan masakit na karanasan mula sa NPA.
Noon maliliit pa kami alas singko pa lang ng hapon kumain na kami . Kasi kelangn ala 6 wala na kami sa bahay namin. Minsan na sa kweba kami matulog minsan sa sagingan namin kasi nong 90's may nagre recruit sa bukid. Ayaw nga ni papang sumapi kadalasan sa gabi sila nagbahay bahay kaya kami nman nagtatago na. Until nong binomba ang kampo nila don pala kami naka hinga maluwag luwag kasi humina ang pwersa nila sa lugar namin.

This is the reason why,
I strongly Support to Anti Terrorism Bill.”
***
Source: Ana Bejasa Caballero | Facebook
No comments:
Post a Comment