Saturday, June 20, 2020

Lagman nakatikim kay Pacquiao: Tumigil na sa pagserbisyo, walang kwenta

Napikon si Senador Manny Pacquiao kay Albay Representative Edcel Lagman dahil palagi nitong binabatikos ang magagandang programa ng gobyerno para sa mahihirap partikular ang pagtatayo ng Malasakit Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Senator Manny Pacquiao and Edcel Lagman / Composite photos from Facebook and Abante

Hindi ko maintindihan ang mindset ng mga politiko dito sa Pilipinas!” sabi ni Pacquiao na sumusuporta kay Senador Bong Go. 

Laging kumokontra ‘yan (Lagman). Di ko alam kung against siya sa mahihirap o para lang sumikat o kumontra lang sa magandang program ng ating gobyerno,” sambit ni Pacquiao.

“‘Yung mga politiko na nagseserbisyo na kumontra palagi para sa mga magandang programa para sa mahihirap, tumigil na kayo nagseserbisyo, wala silang kuwenta sa taumbayan,” dagdag pa nito.



Sabi ni Pacquiao, nasasaktan umano siya sa tuwing may politikong nambabatikos sa mga programa ng gobyerno para sa mahihirap.

Nasasaktan ako kapag binabatikos ang programa para sa kanila dahil diyan ako galing sa pagiging mahirap, ‘yung walang makain sa isang araw. Naranasan ko ‘yun,” ayon sa senador.

“Ipaglalaban ko ang karapatan ng mahihirap ng tao kasi Masakit isipin na ang programa para sa mahihirap tapos may mga taong kumukontra. Kasi pag maganda ginagawa sa mahihirap, dahil kalaban ka kokontrahin ka."

Eh makakabuti naman sa taumbayan. Kaya walang progreso walang kaunlaran ang bansa natin dahil after ng admin ng isang lider, pag napalitan siya, ‘di ipagpapatuloy ang programa niya,” saad ni Pacquiao.



Kung maganda naman programa para sa tao bakit di nating suportahan. Ako man pagdating sa mahihirap nasasakatan ako kapag binabatikos angprograma para sa kanila dahil diyan ako galing sa pagiging mahirap, yung walang makain sa isang araw. Naranasan ko ‘yun,” patuloy na saad ni Pacquiao.

Kamakailan ay pinuna ni Lagman ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa pagpopondo sa Malasakit Centers at tinawag itong “partisan tool and not a medical outlet.”

Panoorin ang speech ni Pacquiao sa ibaba:




***

Source: Abante

No comments:

Post a Comment