Sunday, October 10, 2021

Rita Avila binatikos si Yorme matapos ang pahayag nito laban kay Robredo

Naglabas ng saloobin ang aktres na si Rita Avila sa kanyang Instagram account matapos ang maaanghang na pahayag ni Manila City Mayor Isko Moreno laban kay Vice President Leni Robredo.
Rita Avila and Manila City Mayor Isko Moreno / Photo credit to the owner

Tila dismayado ang aktres matapos sabihin ni Moreno na idinadawit ni Robredo ang mga Pilipino sa pagitan ng Marcos at mga Aquino.

“Ang babaw yorme. ‘Yan lang ang kaya mong isipin at sabihin? Kung hindi mo makita ang buti sa mga sinabi ni VP, kakahiya ka naman,” sabi ng aktres.

“Maganda nga ang sinabi tungkol sa yo ni VP Leni. At ikaw din maganda sinabi mo sa kanya nung nakaraan. After a few days ganyan ka na?” dagdag ni Avila.
Rita Avila / Photo credit to the owner

Hindi rin pinalagpas ni Avila ang pagtawag ni Moreno sa mga tagasunod ng Liberal Party (LP) bilang “yellowtards.”
Rita Avila / Photo credit to the owner

“At yellowtards pa talaga ha? Ako nga ayoko pag tinatawag ang mga DDS ng dutertards kasi d naman dapat magpakababa ng pagkatao by calling them that just bec. DDS sila. Tao pa din sila,” sabi ni Avila.

“Pasensya na ha? Pero salamat sa pagpapakita mo ng kulay,” dagdag ng aktres.

Ayon sa aktres, senyales umano na hindi maaaring mamuno sa Pilipinas si Moreno matapos ang kanyang ang mga sinabi.

Aniya, dapat raw ay pakinggang muli ni Moreno ang sinabi ni Robredo upang maintindihan itong mabuti.
Photo credit to the owner

Sa isa pang Instagram post ay ibinahagi ni Avila ang isang collage ng mga komento laban kay Moreno.

“Klarong-klaro naman mga Pilipino. Mayor Isko Moreno, aga mo namang pinahamak ang sarili mo. Pero salamat dahil nalaman agad namin ang pagkatao mo,” sabi ni Avila.
Manila City Mayor Isko Moreno / Photo credit to the owner

Kasunod na ibinahagi ni Rita ang isang proyektong tinanggihan niya kung saan siya dapat ang gaganap na ina ni Moreno.

“Buti talaga na di ako ang lumabas na nanay mo sa pelikula mo. Mahal ko ang direktor pero di talaga maganda ang kutob ko sa yo,” ani Avila.
Manila City Mayor Isko Moreno / Photo credit to the owner

“Pinagtanggol pa kita nung siraan ka ng Pangulo tungkol sa bold photos mo. Meron ka namang nagawang tama kaso mas malakas ang tama mo,” dagdag ng aktres.

“Pasensya na ulit. Sa tama at totoo lang ako.”
Photo credit to the owner

Sa ngayon ay wala pang inilabas na reaksyon si Yorme kaugnay sa tirada ng aktres laban sa kanya.


***

No comments:

Post a Comment