Thursday, October 14, 2021

Sharon Cuneta: “Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon – yung hindi tinatawag ang Diyos na ‘STUPID’.”

Sa kanyang Instagram account ay naglabas ng saloobin si Megastar Sharon Cuneta kaugnay ng kanyang pag suporta sa kanyang mister na si Senador Kiko Pangilinan at Vice President Leni Robredo.
Photo credit to the owner

Aniya, wala na raw galang at bastos na umano ang ibang mga Pilipino lalo na pagdating sa social media. Epekto raw ito ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Sharon, inaasahan na raw niya ang mga trolls, haters, at bashers sa bawat posts na gagawin niya sa kaniyang social media accounts matapos niyang ihayag ang pagsuporta kina Kiko at Leni.

I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once i posted about VP Leni and Kiko. Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people. Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino,” sabi ni Sharon.

“Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo? Nasaan na ang tunay na bayanihan? Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksyon na. Magkakitaan na lang sa kung sino-sino ang mahalal. Ngayon, ganito na – bastusan. Yan ang dapat ma-erase. Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang.” dagdag niya.

Kaya naman nanawagan siya sa mga botante na piliin ang mga politikong may takot sa Diyos at hindi nagbibitiw ng hindi magandang salita laban dito.

“Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon – yung hindi tinatawag ang Diyos na ‘STUPID’. Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang diyos niya ang ang sarili niya. Pumili kayo ng mga walang bahid ng korupsyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo.

“Hindi yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na wala pang ayuda, ang bakuna kulang na nga pinababayaran pa – pero ang mga di makasagot kung saan na napunta ang bilyong-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, ‘yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan.

“Magising na po tayo. Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo. Nawa’y tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!”


***

No comments:

Post a Comment