Sunday, August 28, 2022

Ballsy Aquino-Cruz hindi makapaniwalang 31M ang botong nakuha ni Pangulong Bongbong Marcos

Sa isang interview, sinabi ni Ballsy Aquino-Cruz na darating din ang panahon na mananaig raw ang katotohanan.
Ballsy Aquino-Cruz and President Bongbong Marcos / Photo credit to the owner

Sa panayam sa kanya ng Banyuhay Aoteoroa Facebook page, sinabi ni Aquino-Cruz na hindi hahayaan ng Panginoon na manaig ang kasamaan sa bansa at ang kailangan lamang nila ay maniwala.

Noong nakaraang eleksyon, siniraan raw ng ilang grupo ang kanyang mga namayapang miyembro ng pamilya na sina dating senador Ninoy Aquino, at mga dating pangulong Cory at Noynoy Aquino.

“Hindi pwedeng magtagumpay ang evil. It will take time. God makes things happen in His time. We just have to have faith. Kita naman natin kung gaano ang kanilang kampanya, kung ano ang naging resulta.” ani Ballsy.
Photo credit to the owner

Dagdag pa ni Aquino-Cruz, hindi raw siya makapaniwalang 31 million ang nakuhang boto ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na 31 million yung bumoto pero, ang dami nga nilang bala para sa mga ganitong bagay…Even if we cannot fight them.the truth will out.” dagdag niya pa.


***

3 comments:

  1. Mula sa mga katolikong Dilawan hangang Pinklawan sinong mga evil ang nangapoot, umalipusta, nanlait, nambastos, nang-api kay BBM at sa pamilyang Marcos ha #BallsyAquino,?

    ReplyDelete
  2. kung hindi kayo makapaniwala na ka pamilya ninyo ang mastermind di ba dapat pinagsikapan nng Mother at Brother mo na malaman ng taumbayan kung sino talaga ang pumatay dahil malakas ang paniniwala nyo na si Pre. Marcos ang nagpapatay for that natural dapat na nagporsege kayo na alamin dahil nasa mga kamay ninyo ang lahat ng resources dahil nasa kamay ninyo ang kapangyarihan kaya hindi po kapanipaniwala ang mga rason ninyo.

    ReplyDelete
  3. Ang kapootan ninyo kay Pres. Marcos ang rason na hindi kapanipaniwala na titigil kayo sa pagiimbestiga kung talagang totoo ang sinasabi ninyo na malakas ang paniniwala ninyo na si Pres. Marcos ang mastermind nito dahil ang panlalamig ng pamilya ninyo na ituloy ang imbestigasyon ay isang kaduda-dudang hakbang ninyo na nag-iwan sa maraming Pilipino ng maraming haka-haka at kawalan ng tiwala sainyo na mas maraming natanim sa kanilang kaisipan ang sinabi mong isang haka-haka na kapamilya ninyo ang mastermind nito.

    ReplyDelete