Naitanong ninyo na ba sa inyong mga sarili kung saan nga ba nagmula ang Santo Niño? Bakit parte na ito ng kasaysayan ng Pilipinas? Totoo nga ba ang mga himala nito?
Ang Santo Niño ay isang kristiyanong imahe ng banal na sanggol na si Hesukristo. Ito ang naging pangunahing santo patron ng lalawigan ng Cebu. Bilang isang imahe lamang ay hindi ito sinasamba bagkus ay pinahahalagahan ng marami dahil sa mga sinasabing himala nito.
Ayon sa aming pananaliksik, noong dumating si Ferdinand Magellan sa Cebu noong 1521, si Rajah Humabon, kasama ang kaniyang asawa na si Amihan gayun din ang mga 800 na mga katutubo ay ninais na mabinyagan bilang Katoliko.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ibinigay ni Magellan ang imahen ni Santo Nino sa asawa ni Rajah Humabon at pinangalanang Juana. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nagpakilala kay Santo Niño sa mga taga-Cebu kung hindi ay ito rin ang naging isang napakahalagang karanasan: ang representasyon ni Reyna Juana, hawak ang imahen ni Santo Niño na binabasbasan ang kanilang mga tauhan upang mailayo sila sa sakit at masamang espiritu at maging importanteng bahagi ng sayaw ng Sinulog.
Noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi at ang kaniyang mga tauhan sa Cebu noong 1565, isa sa mga sundalo ang nakatuklas ng isang kahon na may imahen ni Santo Niño. Ito ay napapaligiran ng bulaklak at mga pigurin ng mga anito. Ayon sa mga mananalaysay, ang mga pagbabago, mula sa pagsayaw ng Sinulog at pagbubunyi kay Santo Nino ay naganap sa loob ng 44 na taon sa pagitan ng pagdating ni Magellan at Legazpi.
Noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi at ang kaniyang mga tauhan sa Cebu noong 1565, isa sa mga sundalo ang nakatuklas ng isang kahon na may imahen ni Santo Niño. Ito ay napapaligiran ng bulaklak at mga pigurin ng mga anito. Ayon sa mga mananalaysay, ang mga pagbabago, mula sa pagsayaw ng Sinulog at pagbubunyi kay Santo Nino ay naganap sa loob ng 44 na taon sa pagitan ng pagdating ni Magellan at Legazpi.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Idineklara ng Augustinian order na ang naturang imahen ay milagroso at itinatag nila ang simbahan kung saan ito nadiskubre. Ipinangalanan ito sa San Agustin church at di maglaon ay pinalitan ito ng Basilica Minore del Santo Niño. Ang debosyon sa Santo Niño ay tumagal at sumulong sa kultura ng Pilipinas sa pagdaan ng mga siglo lalo na sa rehiyon ng Visayas.
Katunayan, taon-taon, sa buwan ng Enero, ang lalawigan ng Cebu ay nagkakaroon ng pista ng sinulog na nagtatampok ng sagradong imahen ng Santo Niño at sa himig ng "Pit Senor!" at "Hala, Bira!" ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Maraming pilipino ang namamanata at nagdedebosyon sa paniniwalang maghihimala at tutuparin ng Santo Niño ang kung ano mang hilingin nila.
***
Source: Pinoy Classic
No comments:
Post a Comment