Monday, February 20, 2023

Babaeng idinonate ang sariling kidney sa boyfriend na may sakit, niloko makalipas ang ilang buwan

Viral sa TikTok ang rebelasyon ng isang babae na idinonate ang isa sa kanyang kidney sa kanyang boyfriend ngunit makalipas ang pitong buwan ay niloko siya nito.
Photo credit: Colleen Le

Kwento ni Colleen Le, taong 2016 nangyari ang masaklap na kwento ng kanyang lovelife. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 16 million views ang kanyang video sa TikTok.

Kwento ni Colleen sa isang interview ng BuzzFeedVideo noong March 12, 2022, “I donated my kidney to my boyfriend and he cheated on me. And this is that story.”

Aniya, nagkakilala sila ng kanyang ex-boyfriend noong 2015 dahil sa common friends.

 “He was so cute and outgoing.”
Photo credit: Colleen Le

Ayaw nang pangalanan ni Colleen ang kanyang nakarelasyon na isa pa raw relihiyosong tao.

Sa simula pa lang, naging open na raw sa kanya ang ex-boyfriend tungkol sa kanyang chronic kidney disease.

“So he had to connect to a machine every night to filter out his kidney. At that time, he was 27 and had it for 10 years.”

Bilang girlfriend, pakiramdam ni Colleen ay kailangan niyang tulungan ang boyfriend bago pa mahuli ang lahat.

Kwento niya, hindi naging madali ang prosesong kanyang dinaanan para malaman kung qualified siyang maging donor.

“I didn’t wanna wait to, you know, have his condition get worse, or he could have passed away too. In order to donate, you have to be in good health. They have to do tests to make sure your body can survive with just one kidney. And so, I had to do a bunch of tests to see if I was a match,” sabi ni Colleen.
Photo credit: Colleen Le

Tatlong buwan ang inabot ng mga tests para ihanda siya bilang kidney donor. May 23, 2016, isinagawa ang kidney transplant at naging successful ito.

“Surgery was pretty easy. They put me under anesthesia, so I was knocked out the whole time. Once I woke up, I just remember waking up to tubes in my mouth, and they tried feeding me like, you know, ice cubes, and I almost threw up. But other than that, I just went back to sleep. And it took me about two weeks to recover, like, to feel back to normal,” kwento ni Colleen.
Photo credit: Colleen Le

Para sa kanyang nobyo, nagbago ang pamumuhay nito; wala na itong tubo sa kanyang tyan, kaya hindi na niya kailangan pang mag-dialysis. Kailangan lang nitong uminom ng anti-rejection pill at gamot sa pananakit.

Dagdag pa ni Colleen, laking pasasalamat ng pamilya nito, at umiyak pa sila nang husto, na siya namang ikinaluwag sa pakiramdam niya.

“His family was really grateful and they cried a lot. They just felt great for the both of us.”

Pagkalipas ng pitong buwan ay nagpaalam ang boyfriend ni Colleen na dadalo ito sa bachelor party ng isang malapit na kaibigan sa Las Vegas.
Photo credit: Colleen Le

“He was texting me all throughout… he wanted me to be there, and how much he wanted to read the bible.”

Ayon sa kanya, active umano sa church ang kanyang boyfriend kaya naman malaki ang tiwala niya rito at pinayuhan na i-enjoy ang pag stay sa Las Vegas.

“I didn’t think that anything was going to happen in Vegas, because he portrayed himself as a really religious man. And he stuck to his morals throughout the relationship.”

Isang araw ay nagulat na lamang si Colleen pagpunta ng kanyang boyfriend sa kanyang bahay na hindi man lang nagsabi na nakabalik na pala ito.

Doon inamin ng kanyang boyfriend ang ginawang panloloko sa Las Vegas.

“He admitted to the cheating he admitted to doing things with some of the bachelorette party,” lahad ni Colleen.

Ang nakakalungkot ay kilala pa ni Colleen ng personal ang ilang mga babae na nandoon at ang isa ay kaibigan rin niya.

Isa pa sa napakasaklap na pahayag ni Colleen ay kinakailan nitong magtrabaho sa “happiest place on Earth” kahit pakiramdam nito ay wasak na wasak na siya.

“I was just broken. And then after he came and confessed what he did, I had to go to work. I had to go to work at Disneyland, the happiest place on Earth.”

Sa kabila nito, binigyan niya muli ng second chance ang lalaki.

“Maybe he deserved another chance. Maybe we can work it out, and we can make it happen for us.”

Ngunit dahil nasira na ang tiwala ni Colleen, nagkaroon ng lamat ang kanilang pagsasama.

Aniya, “It definitely hurt my trust issues with him and it was hard to trust again, especially when I thought he won’t do anything behind my back.”

Nakaramdam ng insecurities si Colleen sa kanilang pagsasama at naging madalas nag kanilang pag-aaway.

Isang beses, nagkaroon sila ng diskusyon habang nag-uusap sa telepono. Sa gitna ng pagtatalo, iminungkahi ng boyfriend na magbasa siya mula sa bibliya.

Hindi sumang ayon si Colleen at sinabing pag-usapan nila ang kanilang isyu bilang regular people.

Dito na nakipaghiwalay ang lalaki.

“That’s when he just shut down and pretty much said, ‘Oh, if God wants us to be together, He’ll bring us back together again,’ and hung up.
Photo credit: Colleen Le

“After he hung up on me, he blocked me on social media and just completely cut me out.”

Nasaktan si Colleen sa paraan ng pakikipaghiwalay sa kanya ng ex-boyfriend. Ngunit dumating naman ang panahong naka-move na siya.
Photo credit: Colleen Le
Photo credit: Colleen Le

May pagsisisi ba siya na ibinigay niya ang kanyang kidney sa ex-boyfriend?

“Even after everything has happened, I still don’t regret donating my kidney to him. Despite the trauma and the heartbreak that I had to go through, it did lead me to a better life, and that’s how I met my current boyfriend who truly loves me unconditionally and happier.”

Hindi rin siya nagtanim ng sama ng loob o nakaramdam ng galit sa dati nitong nobyo na pinagkalooban niya ng sarili niyang kidney.

“I haven’t been happier. I’m not mad at him. I don’t hold any grudges against him. I only wish him well and for him to live a happy life. I don’t want my kidney back. Go ahead and have it, and make sure you treat it well,” sabi ni Colleen.


***
Source: Balita

No comments:

Post a Comment